Ulan at bagyo susuungin ng mga guro para sa kanilang trabaho

Ulan at bagyo susuungin ng mga guro para sa kanilang trabaho

Kaya mo bang suungin ang ulan at bagyo para sa trabaho? Ito kasi ay nangyayari kadalasan sa mga guro natin. Ulat at bagyo ay hindi susukuan para sa mga bata. Hindi alam ng marami ang hirap ng mga guro nating nasa mga sulok naka destino. May mga gurong nasa isla, bukid at iba pang napakahirap puntahan. Dito masusubok ang katatagan ng karamihan sa kanila. Tulad nalang ng kwento ng gurong taga South Cotabato na si ma’am Michelle.

Umani ng napakaraming positibong komento sa social media ang post ng guro. Sumugod si Michelle Buquiran-Miguel sa ulan at maputik na daan. Hindi ito naging hadlang para makapunta siya sa paaralan. Sa mga larawan na ibinahgai ni ma’am ay makikitang napakaputik ng motor na siyang ginamit ni ma’am. Dahil dito ay napipilitan siyang huminto muna para ma check ang gulong nito.

Credit: MiChelle Buquiran-Miguel / Facebook

“Ulan ka lang, teacher kami! Sulong edukalidad! Ito ang pahayag ni ma’am sa kanyang post. Nakangiti pa rin ang guro kahit basang-sisiw na ang sinapit niya. Laptop ang unang pinunasan ni maam pagkarating niya sa paaralan. Alam naman natin kung gaano ka importante ang laptop sa buhay ng mga guro.

Credit: MiChelle Buquiran-Miguel / Facebook
Credit: MiChelle Buquiran-Miguel / Facebook

 

Umani ng napakaraming shares at likes ang post ni ma’am Michelle.
Basang-basa din ang ibang kasamahan ni ma’am Michelle dala dala ang kanilang tsinelas. Hindi na bago ang ganitong mga kaganapan lalo pa at sa probinsya, kalbaryo nila ang kalsada.

Ito ang literal na ulan at bagyo na sakrispisyo ng mga guro. Sa tuwing umuulan nahihirapan ang mga guro at estudyante dahil sa putik sa daanan. Gayunpaman, hindi ito hadlang sa kanilang serbisyo sa komunidad.

Ang kwento ni ma’am Michelle ay isa lamang sa napakaraming kwento ng mga guro. Lahat ng guro ay natututong magsakripisyo para sa edukasyon. Swerte na lamang kung ang isang guro ay nasa syudad o sa mga paaralang hindi maputik o hindi tatawid ng tubig. – Clea | Helpline PH