Naantig ang puso ni teacher sa chat ng kanyang estudyante
Naantig ang puso ni teacher sa chat ng kanyang estudyante at sumaklolo agad dito.
Ibinahagi ni sir Ethan Andrew Calla ang kanyang kwento sa social media. Ayon sa kanya, talagang naantig ang puso niya sa hiling ng bata. Naglakas loob daw ang kanyang estudyanteng humingi ng saklolo sa kanya.
Wla na daw kasing natira sa sweldo nito kung kaya wala na ring pambili ng pagkain para sa kanyang kapatid at ama. Wala din daw trabaho ang ama nito dahil mahina na ang katawan at namasukan na lang sa part-time job. Dahil nga sa pandmeya ay wala din kasiguraduhan ang trabaho nito.
Dahil dito, naawa ang guro kung kaya ay nagpasya siyang bilhan na lamang ng groceries ang bata. Ibinigay niya ito noong sila ay magkita sila. Labis labis naman ang pasasalamat ng estudyante sa kanyang guro.
Sinabi ni sir sa kanyang post na lumalambot ang kanyang puso sa mga ganitong sitwasyon. Ito ang dahilan kung bakit ginagawan niya talaga ng paraan upang makatulong.
Kitang-kita naman sa mga kilos ng guro ang pag-aalala at ang pagiging ama din. Halos lahat ng mga guro natin sa pampublikong paaralan ay nakaranas ng ganito. Sapat na proweba lamang ito na ang mga guro natin ay sadyang maunawain at mapagbigay.
Naantig ang puso ni teacher Ethan sa chat na iyon ng estudyante niya at umapaw ang emosyon niya. Sa mga pagkakataong ito, mananaig talaga sa mga guro ang pagiging magulang. Sa panahon natin ngayon kung saan mas naghihirap ang mga mahihirap, mga bata ang apektado.
Ang kwentong ito ni sir Ethan ay mananatili sa puso ng kanyang estudyante ang ng ibang mga tao. Hindi kailangan maging mayaman upang makatulong sa kapwa. Marami ang humanga sa ginawa ng guro. Maraming mga tao din ang namulat sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa. Maging inspirasyon sana ang mumunting aral na ito para sa lahat. – Clea | Helpline PH