Walang tigil ang trabaho ng mga guro kahit na bakasyon na
Bakasyon na ngayon ngunit tila ba walang tigil ang trabaho ng mga guro. Kung matatandaan natin, marami ang mga pagbabago sa edukasyon noong pumutok ang Covid. Isa na dito ay ang paglipat ng DepEd sa iskedyul ng pasukan at bakasyon. Dati, Hunyo ang kadalasang umpisa ng pasukan. Ngayon, sa Setyembre na ang umpisa ng pasukan para sa bagong school year. Syempre, ang bakasyon din ay nagbago. Kung noon nasa Abril at Mayo ang bakasyon, ngayon ay nasa Agosto na. Dahil dito, lubos ang mga pagbabagong pinagdadaanan ng mga studyante at mga guro.
Ngayon ay bakasyon na dapat ngunit walang tigil ang trabaho ng mga guro natin. Kung tutuusin, isang buwan lang ang bakasyon ng mga guro dahil sa Setyembre 13, 2021 ay pasukan na uli. Hindi mkapagpahinga ng maayos ang mga guro kahit sa araw ng Sabdao at Linggo dahil sa dami ng trabaho. Ito ang kadalasang pinagkaka-abalahan ng mga guro ngayon:
SBM reports
Walang tigil na trabaho ang naghihintay sayo kapag SBM committee member ka. Papel doon papel dito. Mga dokumentong dapat ihanda at e-validate.
Quarterly Grades Assessment
Akala mo tapos na ang trabaho mo bilang adviser at subject teacher pero yun pala ay hindi. Nakakalulang pagkuha ng average ng mga gradu ng mga bata mula Q1-Q4 bawat subjects. E-coconsolidate ito bawat klase.
Brigada Eskwela
Malaki-laking trabahu para sa kapakanan ng mga bata. Ang tema kasi ng bridaga 2021 ay “Bayanihan para sa Paaralan”. Ibig sabihin, kaylangang trabahuin upang may mga malikom na gamit para sa pasukan. Hindi kasi lahat ng eskwelahan ay may budget para dito. Isang buwan din ang skedyul ng brigada kasama na dito ang paglilinis ng paaralan. Syempre, dahil wlang mga bata ay paniguradong mga guro ang gagawa nito.
Mga forms at links na mula sa division at dapat na mapunan
Hindi mabilang na survey forms, mga links ang ibibigay sa GC araw-araw. Lahat ng mga ito ay may deadline kung kaya dapat gawin agad-agad.
Iilan lamang ito sa mga gawain ng mga guro kahit bakasyon. Walang tigil ang trabaho ng mga guro ngunit hindi sila nagrereklamo dito. Kahit papaano, nagpapasalamat pa rin sila sa lahat ng kanilang ginagawa. – Clea | Helpline PH