Gurong mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya

mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya

Gurong mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya

Mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya sa kanyang trabaho. Ito ang naging hantungan ng isang guro sa ating article ngayon.

Paano nga ba malalaman kung tunay ang pagmamahal mo sa iyung propesyun kahit na mahirap ito? Marahil hindi alam ng karamihan ang hirap sa pagtuturo. Ang alam nila simpleng trabaho lang ang magturo ng mga bata. Hindi alam ng karamihan na ito ay parte lamang ng trabaho nila.

Bukod sa lesson plans ay nandiyan din ang bulto ng paperworks at reports na dapat gawin. Kahit sa araw ng Sabado at Linggo ginagawa pa rin ng mga guro ang kanilang mga gawain. Maganda ang pagiging guro ngunit hindi lahat ay nagtatagal sa propesyung ito.

Isa na dito ang isang gurong mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya sa trabaho. Ito ay si Ma’am Larra Elyssa Dizon, isang public school teacher. Ang pagtuturo daw ay isa sa pinakamalaking pagsubok na hinarap niya.

Inspirasyon daw ni Ma’am Larra ang kanyang sariling ina sa pagiging guro. Pagkatapos niyang ipasa ang LET ay agad siyang naghanap ng eskwelahanng pagtuturuan. Nakapasok naman siya agad. Ngunit ilang buwan lamang ang lumipas ay nag-resign na si Larra.

“Akala ko madali, akala ko lang pala yon. In college they taught us different strategies with different kind of learners. Ayyyy! Naloka ako besh! May mga bata talagang walang nag wowork kahit anong tumbling gawin ko para makabasa sila,” sabi ni Larra.

“Though, may ibang aspect na mag eexcel naman talaga ang bata. But we are after the number of students na makakabasa. Di naman sila after kung may ibang nagawa ka para sa bata. Kailangang makabasa para masabing magaling ka na teacher!!!” dagdag nito.

Minsan daw ay kahit sa pagtulog ni Ma’am ay naiisip niya ang mga batang hindi pa nakakabasa. Naiiyak na lamang siya dahil hindi niya alam kung paano niya ipapasa ang mga bata.

“There are nights na magigising ako unang papasok sa isip ko yung mga students ko na di pa nakakabasa. Maiiyak ka na lang. Paano ko sila ipapasa? Yung frustrations ko sa school nadadala na sa bahay. There are stuff that I can no longer do,” saad ni Larra.

Dahil dito, may mga pagkakataong wala na siyang oras sa kanyang pamilya at sobrang stress na niya.

“Pwede pala yon, mahal mo yung pagtuturo pero di ka masaya. This may sound mababaw but I want to prioritize my mental health. I want to save myself from words that will no help my professional growth,” sabi ni Larra.

Ayon kay Ma’am Larra, ibinahagi niya ito upang magsilbing kamalayan sa iba. Gusto lamang niyang ipaalam sa lahat na hindi madali ang pagiging isang guro.

“Public school teacher, magandang pakinggan pero hindi madaling pagdaanan.”

Ito ang kwento ni Ma’am Larra, ang gurong mahal ang kanyang propesyun ngunit hindi masaya. Walang mali sa pag reresign kung alam mo sa sarili mong prayoridad mo ang sairili mong kapakanan. – Alec | HelplinePH