Babahain ka ng Luha sa Liham ni Titser Para sa Kanyang “Favorite Student”

Babahain ka ng Luha sa Liham ni Titser Para sa Kanyang “Favorite Student”

Babahain ka ng luha sa liham ng isang titser para sa kanyang “Favorite Student”. Emosyonal na nagbahagi si titser Josephine Lanceta Ulitin ng kanyang liham. Ito ay patungkol sa kanya umanong “Favorite Student” sa klase na may karamdaman. Ayon sa kanya, espesyal ang turing niya sa mag-aaral na si Loyd Jerome Conde. Ayon kay titser Josephine, kahit may karamdaman ang estudyante ay pursigido itong magtapos. Narito ang kabuuan ng kanyang liham.

“Ito na yata ung GREATEST HEARTBREAK ko in my 5 years as a teacher 😭😭😭

Wala akong favorite student, kasi gusto ko fair sa lahat, maliban sayo anak Loyd Jerome Conde … sayo lng ako nagkaroon ng favorite, at alam ng lahat ng mga kaklase mo un.. Sobrang special ka samin… tanggap nilang iba ko pagdating sayo… Sa loob ng 1 taon sa face to face class last year, wlang ni isang nkapambully o nakasakit sau kasi alam nilang lahat na magwawala tlga ko sa room pag ikaw ang kinanti nila, pero kahit hindi ako magalit, nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng kakaklase mo…

May medical condition ka pero gustong gusto mo mkapagtapos… Tandang tanda ko nun, ililipat ka sana ng ADM pra sa bahay ka n lang mg aaral pero ayaw mo kc sabi mo masaya ka sa room, tapos ililipat ka sana ng section kc 4th floor ung room natin, naaawa aq sa pag akyat baba mo pero sabi mo “ayaw mo kc gusto mo ako teacher mo” Gusto mo lagi pumapasok kahit may sakit ka… Mahina ung katawan mo kya sabi q hindi ka na kasali sa cleaner, pero pag uwian nakikita kitang nauuna pang maglinis…

Kanina, habang nanunuod ng virtual moving up, ang dami sa kaklase mo na honor ngaun pero iba ung saya ko nung nakita ko ung pangalan mo.. ikaw nga lang ung binati ko ng special sa GC natin kc anak tandang tanda ko ung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate, kya ang sakit sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami…

Rest in God’s Paradise nak, dun wla ng pain, Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay nparamdam namin sayo na mahal at tanggap ka namin kahit anu ka pa… Sobrang Proud ako sayo anak.. Mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo…. 😭😭😭” credit: Maam Josephone Lanceta Ulitin


Lahat naman tayo ay dumaan din sa pagiging mag-aaral at alam natin ang hirap at pagod ng pagpupursige. Paano pa kaya sa kalagayan ni Loyd Jerome Conde na may iniindang karamdaman. Kahit paman dito, nakitaan na siya ng potensyal ng kanyang guro. Ito marahil ang dahilan na siya ay “Favorite Student” ng kanyang guro. Alam din naman daw ito ng lahat ng mga ka klase niya at silang lahat ay mahal siya. Sa karamdaman ng mag-aaral, nakukuha niya paring maging mabuti. Subalit, masakit ang kinahinatnan ng favorite student ni titser Josephine.

Sa mismong araw kasi ng kanyang “moving-up ceremony” ay binawian ito ng buhay. Sobrang masakit ang pamamaalam na ito sa kanyang mga ka klase at guro. Tanging ala-ala na lamang ang naititra sa kanila.

Umani ng simpatiya ang emosyonal na liham na ito ng tiser sa social media. Talagang hindi maiiwasang bumuhos ang inyong mga luha. Ang nakakaantig na liham na ito ay isang katunayan na sa mundong ibabaw, hindi natin hawak ang buhay. Hindi dapat natin sayangin ang bawat pagkakataon dahil ito ay mahalaga.

Sa lahat ng mag-aaral, lubus lubusin na ninyo ang pagkakataon na kayo ay nag-aaral. Huwag sayangin ang oras at pagbutihan ang pag-aaral. Ito lamang ang katunayan na nagpupurisge kayo sa buhay kahit paman medyo mahirap. Tanging pag-asa lamang ang aahon sa atin sa kahirapan. Kung si Loyd Jerome Conde nga hindi nawalan ng pag-asa, kayo pa kaya? Ito ay magsisilbing aral sa bawat mag-aaral natin ngayon. – Clea |Helpline PH