10 Reasons kung BAKIT PATOK sa mga Pinoy Ang K-Dramas


Ang mga Pinoy, abroad man o nasa bansa lang ay madaling mag “mingle” sa ibang lahi  basta lng marunong makipag communicate at may konting kaalaman sa English. Dahil dito, likas din sa mga Pinoy ang pagtangkilik sa iba’t ibang nakasanayan ng mga tao sa ibang bansa at minsan pa ngay kahit ang kanilang kultura ay na a-adpat na din ng mga Pinoy. Isa na dito ang masyadong pagkahilig nating mga Pinoy sa larangan ng mga series at telenobela, lalong lalo na ang mga sumisikat ngayong mga drama series na nagmula sa bansang Korea. Isa na ako sa 99% na tao na tumatangkilik sa mga K-Drama series na sadya namang ang gaganda at nkakakilig. Sa panonood ng mga ito ko na kukuha ang inspirasyon minsan. Pag medyo pagod galing sa trabaho naman ay nakatulong din ang mga K-Dramas para malibang ako at makalimutan ang mga trabaho na minsan ay nagbibigay ng “stress”.

Kung ating ilagay sa ating palaisipan kung bakit ang mga K-Dramas ay patok na patok sa karamihan sa atin, meron akong ibibigay sa sampong (10) rason kung bakit nabibighani ang mga Pinoy sa kariktan ng mga Korean Dramas.

1. KILIG FACTOR
Eto yung feeling na ikaw  ay nakalutang sa cloud 9 dahil sa kilig moments.  Kadalasan sa mga K-Dramas ay magaling sa pagbibigay ng kilig factor sa kanilang mga viewers, Yung tipong parang ikaw ang leading lady at naka smile ka sa bawat eksena at di ka kukurap dahil sa kilig. Kilig pero hindi bastos ang mga K-Dramas at kadalasan ay nagbibigay inspirasyun sa mga umiibig.Meron talagang style ang mga Koreans pagdating sa pagbihag ng puso ng mga viewers. Kadalasan, ang kilig factors na ito, sa mga K-Dramas ko lang nararanasan at hindi sa ibang series (lalo pag pinoy, corny)

2. PARA SA MASA (GENERAL PATRONAGE)
Lahat ay pwedeng manood at maka relate basta lng magaling pa ang mga mata sa pagbabasa ng subtitles. Kahit madaming episodes pa yan, kayang kaya tapusin ng dalawang araw lang.

3. HUMOR
Ewan ko ba at kadalasan sa mga napapanood kong K-Drama ay Romantic Comedy talaga ang genre. Ito ang maganda sa K-Drama, ang romance ay hinahaluan nila ng humor para may katatawanan din naman at hind maging boring ang buong episode. May mga supporting actors na nagiging “clown” bawat episode (Do Bong Soon, a very funny series J). Sasakit tang lalamunan mo sa kakatawa at hindi pumapalya ang mga writers pati directors nila na gawing ka enjoy-enjoy ang kanilang drama.

4. ROMATIC STORY
Ang mga kwentong pag-ibig na hindi kaylangan ng mga “obscene scenes”. Maganda ang pagkakalapat ng bawat eksena na magbibighani sa mga viewers na mapaibig din.

5. UNPREDICTABLE STORYLINES
Bawat kwento at episode may twist. Hindi mo mahulaan kung sino at ano ang susunod na eksena. May  mga hidden pieces sa kwento na nagpapaganda pa mas lalo sa drama. Ang mga viewers ay may rason talaga na mag- abang sa susunod na episode.

6. BEAUTIFUL FACES
Syempre, nagagandahang aktres at mga gwapong actor na kinababaliwan ng maraming viewers. Aminin natin, pag ang lead ay di masyadong sikat at di masyadong maganda, di tayo ma a-attract na manood. Pero pag maganda at gwapo ang mga main lead, paniguradong marami ang mababaliw at di maka move-on.

7. COOL FASHION
Kung bago ang drama, tiyak na marami ding bagong uso ang matutuklasan ng mga manonood. Kagaya nalang nga mga trending na “fashion at cool clothes” ng mga karakter sa mga drama na kanilang bini bidahan. Magagarang kasuotan na sila lamang ang magandang tingnan pag nakasuot. Dito ko nakikita ng pagiging “stylish” ng mga Koreans.

8. CULTURAL CHARM
Hindi nawawala sa mga K-Dramas na may genre talagang nag bibigay importansya sa kanilang kultura at tradisyun, lalo na sa mga historical dramas nilang hango sa kwento ng kanilang kinagisnan. Kahit hindi tayo magaling sa Aral. Pan noong nag hayskul palang eh gagaling tayo sa kapapanood natin ng K-Dramas (trust me,,marami kang ma e-share dahil maraming learnings). Masasabi mong may saysay at aral ka ding napupulot sa mga ito.


9. MAGANDA AT CREATIVE NA KWENTO
Lahat ng nakita kong K-Drama ay may kanya kanyang magandang kwento at “creative “ kung tawagin ang kanilang mga maniobra. Ang palabas na panget at wlang kabuhay buhay ay hindi papatok sa takilya. Ang mga fantasy dramas ng mga Koreans ay sobrang napaka ganda at unique.

10. EMOTIONAL CONNECTION SA VIEWER
Kung koneksyun ang pagbabasehan, hindi nawawala sa mga K-Dramas ang emotional connection nito sa mga viewers. Minsan nakaka antig din ng puso ang mga palabas at maiiyak ka din habang nanood. Depende sa genre ng napapanood mo, minsa may ilang drama na hango sa kwento ng totoong buhay at marami sa mga viewers ang  makaka relate.
Dahil sa mga rason na nabanggit ko sa itaas, ay dapat nang kabahan ang ating mga  writers at directors dito sa Pinas at mag level up na sa pag gawa ng makabagong style na mga movies.  Dito kasi sa atin, naka pokos lng sila sa same genre at hindi nag e-experiment para naman maiba ang mga palabas natin dito sa ating bansa. Kadalasan sa mga movies ng pinoy, predictable ang storyline kaya ‘boring” din kalaunan. Hindi gaya ng mga Koreans, iba’t ibang series, iba iba din ang genre nila at minsan di natin expected ang susunod na pangyayari. – Clea | Helpline PH