Tips para magkasya ang buwanang sahod ni titser
Pag-uusapan natin ngayon ang iba’t-ibang tips para magkasya ang buwanang sahod ni titser. Alam naman natin ang kadalasang sitwasyon ng ating mga guro kung ang isyu ay ang sahod. Marami sa ating mga guro ang lumalapit sa utang dahil kulang ang sahod buwan-buwan. Hindi magkasya ang buwanang sahod ni titser kaya naman todo budget para makatipid. Ngunit kahit anong budget, lagi pa rin itong ubos nang hindi pa nakaabot sa katapusan ng buwan. May iilan din namang mga guro ang nakakaraos, sila yung mga single pa at wla pa masyadong iniisip sa buhay.
Tatalakayin natin ang mga tips para magkasya ang buwanang sahod ni titser. Narito at iisa-isahin natin:
1. Kung maaari, iwasang magkaroon ng loan na higit sa kalahati ng inyong sahod.
Mas mainam kasi na may matatanggap pang net pay kada buwan kesa sa wala.
2. Maglaan ng fix na halaga para sa savings kahit pakonti-konti lang.
Kahit 500 o isang libo kada sweldo para lang may makuha o madudukot sa panahong kaylangan.
3. Dapat hindi lalagpas ang gastos sa net pay kada buwan.
Iwasang gumastos na higit pa sa makukuhang net pay kada buwan.
4. Bayaran ang mga bills (kuryente, tubig, etc.) kada buwan upang hindi ito tumaas ng tumaas.
Dapat kada buwan ay nagbabayad ng mga bills. Huwag ugaliing magbayad kung kelan may notice na. Paniguradong malaki talaga ang mababayaran kung ganun.
5. Iwasang magkautang sa iba’t ibang tao.
Iwasang magkautang sa iba dahil ito ay dagdag sa problema sa pag budget kada buwan.
6. Kung maari, huwang isangla ang ATM.
Mahirap talaga kapag naisangla mo na ang iyong ATM dahil mahihirapan ka nang bawiin ito.
7. Iwasang sumali sa mga networking, pyramiding o MLM.
Dagdag sa problema ang mga scam na ito. Sasabihin nila na magloan si titser pampuhonan. Ang kinalabasan si titser pa rin ang kawawa umasa sa wala.
8. Bago gumastos para sa di masyadong kaylangan, isipin mo muna ang mga susunod na araw.
Kung ano ang mas importante ay iyon muna ang paglaanan ng pera. Huwag muna padalos dalos gumastos sa ibang bagay.
9. Kung kaya pa, hindi muna e-reloan ang mga existing na loan sa bangko.
Iwasan ang re-loan dahil hindi matatapos ang kontrata mo sa bangko kung panay ang re-loan mo.
10. Gamitin lamang ang naipon kung may mga emergency.
Ang naipong halaga ay ilaan lamang para sa emergency yung tipong kaylangan lang.
Ang mga tips na ito ay makakatulong para magkasya ang buwanang sahod ni titser. Syempre, tips lamang ito at maaring iba din ang paraan ng iba upang makaraos kada buwan. – Clea | Helpline PH