AYAW MAGBIGAY NG STATEMENT OF ACCOUNT ANG MGA BANGKO
Minsan na din akong humingi ng Statement of Account (SOA) sa bangko kung saan ako may loan upang sana ay mag avail ng GSIS GFAL kung saan ay e-buy out ng GSIS ang loan na medyo malaki kapalit ng mababang interest rate sana. Base sa aking karanasan, may mga bangko talaga na hindi nagbibigay ng SOA lalo kung ang loan ng isang guro ay bago pa lamang. Ngayon, may nabasa akong komento sa social media kung saan masama ang loob ng ibang kapwa ko guro dahil nga hindi sila binigyan ng SOA ng bangko nila at paano na nila ma-a avail ang GFAL? Ito naman ang aking opinyon patungkol sa usaping ito at sana ay medyo makapagbigay ng kahit konting ideya sa iba.
Bakit kaya ayaw magbigay ng SOA ang ibang bangko?
Hindi lahat ng bangko o private loaning agencies ay nagbibigay ng SOA dahil ang iba, “certainly not for GFAL buy-out”. Dahil nga mababa lang ang interest ng GFAL ay marami ang mga gurong nahuhumaling dito (actually mababa ang interest pero para sa akin pareho pa din naman dahil 6 years ang kaltas dito) at gustong epa buy-out ang malalaking loans nila galing sa mga bangko. Noong bago pa lamang itong GFAL ay wala namang problema sa pagkuha ng SOA ngunit kalaunan, medyo naging mas stritko na ang ibang mga bangko at hindi na basta basta ang pagkuha ng SOA. Kung isa kang guro at may loan ka at ito ay lagpas na sa ilang buwan (gaya kong 6 mos na in the making), pwede kang kumuha ng SOA pero naka schedule ang pagkuha ng SOA. Isang buwan bago mo makuha ito (base on my experience, isang buwan bago na release ang SOA ko). Siguro, ginawa nila ito upang bigyan ng mahabang panahon ang kliyente na mag-isip at baka magbago ang isip sa kahihintay ng SOA at maaring di na tumuloy (teknik yan para di na sila mawalan ng kliyente). Yung iba namang may loan na bago palang (lalo na pag 2 months pa lang in the making) siguradong hindi kayo bibigyan ng SOA dahil paniguradong ayaw ng mga bangko na mawalan ng kliyente (syempre dagdag work sa kanila tapos ngayon aalis nalang bigla). Yung iba ay mag rerefund pa sila dahil sa Bayanihan Act (like my co-teacher na hindi naka kuha ng SOA dahil bagong reloan lang siya tapos mag rerefund pa ang bangko at ngayon humihingi ng SOA dahil aalis) tapos malalaman nalang nilang aalis ang kliyente nila, diba wais din naman sila at ayaw nilang maisahan? Minsan kasi tayong mga guro iniisip natin e-avail dahil akala natin ay mas makaka-kuha tayo ng malaki laking amount kung mag GFAL tayo. Meron ding mga kooperatiba na hindi nagpapa buy-out kahit sa GFAL pa. Maiinis man tayo dahil hindi natin ito ma a-avail ngunit wla tayong magagawa.
Ang GFAL application ko ay hindi ko tinuloy…
Noong nabasa ko nga ang mga koment sa Facebook tungkol sa sama ng loob ng mga ibang guro ay napaisip nalang ako sa naranasan ko kung blessing in disguise ba ito na hindi ko na lang tinuloy ang GFAL application ko. Sa kaso ko kasi, nabigyan ako ng SOA after one month ng kahihintay at noong nakuha ko na nga ay dali daling ipinasa ko ang application, ngunit ang masaklap, ilang araw, lingo at umabot talaga ng buwan ay wala akong narinig na update o status mula sa GSIS. Dahil nga online na ang application ay minabuti kong mag send ng mensahe sa g-mail account ng GSIS dito sa amin ngunit siguro walong message ang naisend ko walong reply din na system generated lang ang na tanggap ko mula sa kanila. Ang nangyari ay nainis at nainip na ako sa serbisyo ng GSIS kaya hindi ko intinuloy ang application ko (sayang at kailangan ko pa naman sana ang pera para pandagdag sa patayo ng bahay). Hindi ko alam kung bakit wlang tugon ang GSIS pero isa lang ang nag register sa utak ko: hindi ako kumbinsido sa serbisyo ng GSIS dahil hindi nila pinapahalagahan ang mga kliyente nila , ano yun random picking nalang sa mga envelope na ipinasa tapos yung ibang hindi na pick, wala na yon?
Payo ko sa ibang gusto mag GFAL…
Iba-iba kasi tayo ng rason kung bakit natin gustong mag GFAL at baka naman yung nangyari sa akin ay iba din sa naranasan ninyo ngunit isa lang masasabi ko, GFAL man yan o hindi, loan pa din yan kaya may interest talaga. Diperensya na nga lang dahil feeling natin mas maganda sa GSIS dahil mas malaki ang ma a-avail pero kung pag-iisipang mabuti, pareho lng namang utang sila. Kaya ako, di ko na aasahan ang GSIS. Hintayin ko nalang matapos ang 3 year contract ko sa bangko at makakaraos na akong muli. Blessing in disguise na siguro na hindi ko na avail ang GFAL para matapos ko nang maaga ang aking loan. Para sa iba naman dyan, kung talagang need ninyo ang pera ay maghanap muna ng iba pang pwede pagkuhanan na hindi masyadong magbabaon sa inyo pagdating ng araw. Always remember na hindi tayo pwedeng mag reloan once nag GFAL na kaya mag-isip din muna. – Clea | Helpline PH