Mga palatandaan na ang kasalamuha mo ay isang guro
Marunong ka bang kumilatis ng propesyun ng isang tao? Sa panahon natin ngayon, marami ang nakakasalamuha natin sa trabaho at sa daan. May mga taong hindi natin kakilala ngunit alam nating ganito at ganyan ang linya ng trabaho. Sa lahat ng propesyon, ang mga guro ang pinakamarami.
Paano mo ba makikilala na isang guro ang iyong kausap o kasalamuha? Aaralin natin ngayon ang mga palatandaan na ang kasalamuha mo ay isang guro.
1. Ayos ng mukha at ayos ng buhok.
Alam mong guro ang kasalamuha mo kung naka lipstick at naka eyebrow pencil si ma’am. Syempre sasabihin ninyong halos lahat ng babae ngayon ay naka lipstick. Subalit, iba ang mga guro. Ang mga lipstick nila ay yung tipong kukulay sa mga labi nila sa hindi kalabisan. Ito ay kaylangan upang maitago ang maputlang awra habang nagbibigay ng mga leksyon. Rebonded man o hindi ang buhok ay makikilala mo sila. Sa mga lalaking guro naman, standard na gupit lamang ang kadalasan.
2. Pananamit at borloloy sa katawan.
Pormal ang pananamit ng mga guro dahil may sinusunod na dress code. Relo at konting borloloy lamang ng katawang ang pwede. Kadalasan sa mga uniporme ng mga guro ay may tatak DepEd kaya madali lang silang matukoy.
3. Kilos at pananalita.
Sa bawat salita ng guro, meron at meron talagang magalang na pantawag sila sa bawat tao. Magalang din sila sa bawat transakyon nila kahit saan.
4. Bag at kagamitang dala-dala.
Medyo malaking shoulder bag , plus laptop at extra bag para sa mga libro o lesson plans nila. Madali mo lang silang makilala dahil sila na yata ang pinaka maraming dala sa lahat ng propesyon.
5. Hindi nawawalan ng ballpen.
Kahit saan, kahit kailan may ballpen sa bag at hindi nawawala ang ballpen ang mga guro. Ito ay parte ng ng kanilang pagkatao.
6. Ngiti at titig.
Iba ang ngiti na naibibigay ng mga guro. Siguro dahil na rin sanay sila sa ngiti ng kanilang mga estudyante. Sa ngiti at titig pa lang, malalaman mong guro ang taong kasalamuha mo. – Clea | Helpline PH