Covid-19 Vaccine
Medyo matatagalan ang bansa na maka ahon mula sa pagkalugmok mula sa pandemya. Dahil dito, minabuti ng mga nakakataas sa pamahalaan na humanap ng lunas. Ito lamang ang tanging paraan na akala nila ay makakabuti bago bumalik sa dating ayos ang bansa.
Ang lunas ay ang vaccine pangontra sa virus. Ito ay darating sa mga susunod na araw at ang target na uhanin sa pagturok nito ay ang mga frontliners. Kasali sa naitalang tuturukan ay ang mga guro sa pampublikong paaralan katulad ko.
Sa usaping ito, sari-sari ang komento at damdamin ng mga kapwa ko guro. Medyo alanganin kami na magpaturok ng vaccine na ito. Heto ang ilan sa mga rason kung bakit karamihan sa mga guro ay nag-aalangan dito:
1. Baka hindi safe at may mga kaukulang kahihinatnan kapag nagpaturok.
2. Wala pang naibalitang matagumpay itong naiturok sa ibang mga tao.
3. Ang vaccine ay galing sa bansa kung saan din nagsimula ang virus.
4. Walang kasiguraduhan na talagang ligtas ang taong matuturukan nito.
5. Baka merong mga masasamang mangyayari kapag naturukan sa vaccine na ito.
6. Kaming mga guro ay may mga pamilya at hindi namin kayang ilagay ang buhay namin sa peligro
7. May mga kumakalat sa social media hinggil dito kung kaya nangangamba din kami.
8. Mas mainam siguro kung malalaman natin na epektibo ang vaccine at nagamit na sa ibang bansa.
Maaaring lahat ng nakasulat sa itaas ay pawang pangamba lamang. Subalit, wala din namang mawawala kung maging maingat kami sa aming mga buhay. Nasa sa tao na ang disisyun kung magpapaturok ba o hindi. Hindi na ligtas ang mundo natin ngayon. Marami na ang fake at imitasyon. Ang mga taong nasa baba ay siyang mga mas naiipit at mas kawawa dahil hindi naman namin alam ang kalakaran. Tanging sa pag-iingat na lamang kami pwedeng mkasigurado sa aming kaligtasan. – Clea | Helpline PH