Mga Artista na Naging Teacher Muna Bago Pumasok sa Mundo ng Showbiz
Talaga namang kahanga-hanga ang talentong paga-arte na taglay ng ating mga iniidolong artista sa showbiz na sadyang nagbibigay sa atin ng kaligayahan lalu-lalo na sa kanilang mga programa at pelikula.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, may ilang artista na bago pa mahasa ang talento sa pag-arte at pasukin ang showbiz ay nasa larangan muna ng pagtuturo.
Kilalanin ang mga artista na malaki ang pagmamahal sa edukasyon na kung saan ay naging guro muna bago pumasok sa mundo ng showbiz.
1. Ruby Rodriguez
Una sa listahan ang isa sa mga host ng Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez na naging guro muna bago pumasok sa showbiz. Dati siyang preschool teacher na masayang nagtuturo sa mga bata noon hanggang sa magpasya na pasokin na ang showbiz. Naging bahagi nga si Ruby ng sitcom na Okay Ka Fairy Ko.
Dahil nga sa pagdagsa ng mga proyekto sa kanyang karera, mas pinili na lamang ni Ruby na ipagpatuloy ang pag-aartista at ipamalas ang talento sa pag-arte. At ngayon nga, ay nasa showbiz pa rin siya at nananatiling host ng longest running noon time show na Eat Bulaga.
2. Isabelle Daza
Kasunod naman ang anak naman ng Miss Universe 1969 Gloria Diaz na si Isabelle Daza ay malaki ang pagmamahal sa Edukasyon. Dahil nga nais maging guro kumuha siya ng kursong Early Childhood Education sa De La Salle University. Ngunit, nang pasokin na niya ang showbiz ay hindi na niya naipagpatuloy pa ang larangang kanyang minahal.
Hindi naman ito hadlang upang magamit ang natutunan sa kanyang natapos na kurso, dahil ngayon na ganap na siyang ina ay maaari niyang gamitin ang kanyang kaalaman sa pagtuturo sa kanyang anak.
3. Camille Prats
Pangatlo ang aktres naman na si Camille Prats ay mas piniling manatili sa larangan na minahal niya, ang edukasyon. Nag-aral nga ang aktres sa Amerika ng Montessori Course matapos manganak sa kanyang panganay. At dahil nga hindi rin nawala ang pagmamahal niya sa mga bata, nagpasya siyang magtayo ng paaralan sa tulong ng kanyang pamilya.
Mula nga sa pagiging childstar, ngayon ay isa na siyang School Directress ng kanilang family-owned school na Divine Angels Montessori of Cainta, Inc. na matatagpuan sa Rizal. Abala man sa mga proyekto sa showbiz, ay naglalaan pa rin siya ng panahon sa pagpapatakbo ng kanilang paaralan.
4. Patricia Tumulak
At panghuli ay si dabarkads namang si Patricia Tumulak ay nagtapos ng Degree of Bachelor of Science in Child Development and Education Minor in Special Education sa Miriam College. Naging isa rin siyang beauty queen na ipinamalas ang kanyang “beauty and brain” sa Miss Philippines Earth 2009.
Ngunit, nang pumasok na siya ng showbiz ay hindi naman siya nakalimot magsagawa ng mga proyekto na may kaugnayan sa edukasyon. Naglunsad nga si Patricia ng mga programa sa mga pampublikong paaralan na ang hatid ang makapagbigay kaalaman sa mga bata. Hindi naman rito natatapos ang pangarap ng host dahil nais pa niyang kumuha ng Masters in Special Education. Pangarap rin ni Patricia ang makapagtayo ng sarili niyang Pre-school balang araw. Talagang namang napakalaki ng pagmamahal niya sa edukasyon, lalo na sa mga bata.