Mga rason kung bakit hindi kasya ang buwanang sahod ng mga guro
Ang sahod ay ang pinaka importanteng aabangan ng mga empleyado buwan buwan. Ito rin ang dahilan kung bakit nagta-trabaho ang isang tao. May ibang trabaho na katamtaman lamang ang sahod, meron din kulang na kulang pa.
Ina-abangan ng mga guro sa pampublikong paaralan ang kanilang sahod bawat buwan. Pag-uusapan natin ngayon kung bakit kulang o hindi kasya ang buwanang sahod ng mga guro.
1. Maraming bayarin
Hindi paman dumarating ang sahod ng mga guro ay tila ba ubos na ito. Ang sahod ay pagkakasyahin at hahatiin sa mga utang at iba pang bayarin sa bahay.
2. Konti na lang ang net pay
Kadalasan sa mga guro ay may mga loans sa iba’t ibang ahensya kaya naman deducted na ang payslip nila. Ang matitira na lang ang pang gastos sa pang-araw araw. Maswerte yung ibang may mga asawang seaman o pulis dahil medyo mas nakakaraos sila. Dahil konti nalang ang net pay, mag re-reloan uli si guro.
3. Pambayad sa tuition
Mas uunahin ng ibang guro ang kapakanan ng kanilang mga anak kaya sa sahuran, tuition muna. Sa panahon natin ngayon, mahal ang pang kolehiyo.
4. Pang konsumo ng pamilya
Marami sa mga guro ay may mga extended family na kadalasan ay meron ang bawat pamilyang pinoy. Sa isang pamilya, nandiyan si lola, lolo, kapatid, pamangkin at sariling pamilya. Kukulangin talaga ang sahod kung sa araw araw ba naman ay kailangan kumain. Idagdag mo pa ang mga gamot na dapat panatilihin.
5. Gastusin sa sariling klasrum
Marami sa mga paaralan ang kulang sa MOOE o budget kaya sariling sikap nalang ang mga guro. Ito ay nangangahulugang sikap para mapaganda ang mga klasrum nila. Sariling pera ang ginagastos kaya kukulangin din ang sahod nila sa buwan buwan. Ang mga gamit tulad ng laptop, printer, ink, bondpaper at iba pa ay talagang kailangan nila.
Ang bawat piso na kinikita ng lahat ng tao ay mahalaga dahil pawis at dugo ang inilaan para lang dito. Hindi madali ang trabaho ngunit lubos na magpasasalamat pa rin sa biyaya. Hindi lahat ng tao ngayon ay may trabaho kaya biyaya sa mga guro na sila ay maglingkod sa pamayanan. – Clea | Hepline PH
If you’re looking for FREE downloadable teaching materials and resources such as workbooks, worksheets, forms, guides, and modules, you can download it below:
[table id=1 /]