Bakit kaaway ang turing ng mga mag-aaral sa guro
Ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang sa loob ng paaralan. Sila ang nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang maituwid ang mga landas ng mga ito.
Ganito man ang respetong natatanggap ng mga guro ay hindi din talaga maiwasan na may mga galit din. May mga estudyanteng kaaway ang turing sa mga guro nila.
Narito ang mga rason kung bakit “kaaway” ang turing ng ibang mag-aaral sa mga guro nila.
1. Ibinagsak ng guro dahil sa katamaran.
Hindi naman ibabagsak ng guro ang estudyante kung nagpupursige ito. May mga bata kasi kung saan tamad mag-aral at tamad din pumasok kaya laging wala sa klase kaya babagsak. Hindi ito naiintindihan nag iilan sa mga estudyante kaya sila nagagalit sa guro. Natural lang naman sigurong masaktan pero hindi dapat ikagalit. Ginagawa lang ni guro ang kanyang tungkulin.
2. Laging pinapagalitan ng guro.
Napapagalitan ang mga estudyante dahil may mga kasalanang nagagawa. Hindi naman nagagalit si guro kung walang dahilan. Dito nagagalit ang ilang estudyante sa kanilang mga guro. Kung tutuusin ay wla naman dapat ikagalit dahil natural lang mapagalitan.
3. Laging ipinapatawag ng guro.
Ipinapatawag ni guro ang mga estudyanteng may mga problema sa pag-aaral. Minsan ay ito ang ikinagagalit ng mga estudyante. Hindi nila lubos na naiintindihan kung ano ang rason kung bakit sila napapatawag.
4. Special mention palagi sa klase.
May mga guro na mahilig tawagin ng espesyal sa klase ang mga pangalan ng mga magugulo. Pinapatayo at tinatanong tungkol sa leksyon. Ikinagagalit ito ng ibang mag-aaral. Hindi pa nila masyadong naiintindihan kung bakit ginagawa ni guro ito.
5. May atraso sa guro.
May mga batang may mga atraso sa kanilang mga guro kaya kaaway ang turing nila dito. Ito talaga ang pinaka rason kung bakit galit ang ibang mga bata sa kanilang guro. Sila pa ang may kasalanan at sila pa ang galit. Si guro nalang ang nag-aadjust dahil siya naman ang mas nakakaintindi sa sitwasyun.
Ito ang kadalasang rason kung bakit naturingang kaaway ng estudyante si teacher. Sa mga mag-aaral, intindihin ninyo na hindi magagalit si ma’am kung walang dahilan. Hindi kaaway ang mga guro, dapat nga sila ang sandalan ninyo sa lahat ng oras. – Clea | Helpline PH