Proud si teacher sa tagumpay ng kanyang mga dating estudyante
Malawak ang trabaho at responsibilidad ng isang guro. Lahat ay ginagawa niya para sa kapakanan ng mga estudyante niyang may mga pangarap. Ang guro ang nagisisilbing pangalawang magulang ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Naturingan din nating sila ang modelo na tinitingala ng bawat mag-aaral.
Sa lahat ng pagkakaktaon, masaya si teacher na makitang nagtatagumpay ang kanyang estudyante. Narito ang mga rason kung bakit.
1. Nakikita ni teacher sa kanyang mga matagumpay na estudyante ang kanyang sarili.
Hinubog ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral base sa kanilang sarili. Ang tagumpay ng kanyang estudyante ay karangalan.
2. Masarap sa pakiramdam na may mga tao ka palang nahubog at naging matagumpay na rin.
Hindi lahat ng indibidwal ay kayang mahubog ng isang tao ngunit sa mga guro, hamon ito. Paniguradong babalikan ka ng mga estudyante mo sa panahong sila ay matagumpay na.
3. Sa dami ng mg estudyante ay hindi lahat ang nagtatagumpay sa kanilang buhay.
Meron din namang iba na hindi matagumpay sa pag-aaral. Hindi man nakatapos ng pag-aaral ay matagumpay namang naging mabuting magulang. Ito ay sapat ng proweba na nahubog ni teacher ang karakter ng kanyang mga estudyante.
4. Mas lalong may inspirasyon si teacher na ganahan pang humubog ng mga buhay.
Mas gaganahang magturo si teacher at may maipagmamalaki na siya kung siyay tumanda na.
5. Alam ni teacher na ang kanyang mga estudyante ang namuhay na may dignidad katulad ng itinuro nya.
Sa mga inituro ng guro sa kanyang mga estudyante, meron talagang aral silang dala dala kahit saan.
6. Sigurado si teacher na malalampasan ng mga matagumpay nyang estudyante ang buhay.
Ang tagumpay any isang indikasyon na kayang kaya ng isang tao ang mg hamon ng buhay kahit saang lupalop pa.
7. Sa kaibuturan ng puso ng isang guro alam niyang matagumpay din siya sa kanyang pagtuturo.
Sa lahat ng sakripsiyo ng isang guro alam nyang tagumpay ang kanyang misyon. Hindi na bale ang mga pagkakataon na minsan ay nadapa man. Mas importantre ang alam niyang sa bawat dapa niya ay mga estudyante siyang nahubog.
Hindi madali ang maging isang guro ngunit ang katumbas nito ay sadya namang abot langit. Hindi matutumbasan ng ano mang bagay ang tagumpay na mga batang dati ay nangarap lang. – Clea | Helpline PH