Mga rason kung bakit dagsa ng maraming public school teachers ang gfal ng gsis sa kasalukuyan

Bakit dagsa ng maraming public school teachers ang gfal ng gsis

Maraming mga guro ang nag-aabang talaga kung kailan uli’t maging bukas sa mga public school teachers ang pag-avail ng GFAL (GSIS Financial Asistance Loan) dahil simula ng pag putok ng Covid-19 pandemic ay nahinto din ito. Noong August 20, 2020 lang yata kami ng usisa sa opisina ng GSIS at sinabi nga nilang pwede na muling makinabang o mag-avail ulit nito kaya minarapat na naming kumuha agad agad ng SOA (Statement of Account) sa mga bangko kung saan kami may mga utang na malalaki. Di lang pala kami ang nagbabalak na mag-avail nito kundi maraming mga guro talaga ang dumagsa sa GSIS para lang maka kuha ng form.

Akala ko na konti nalang kami ngayun ang mag-aaplay dahil dati naman itong bukas sa lahat ng nasa public government pero marami pa pala talaga ang mas nanga-ngaylangan ng assistance na ito ngayun dahil na rin siguro sa pandemya at lahat ng mga guro ay meron at meron talagang mga utang dahil marami din naman ang aming mga binubuhay. Pag uusapan natin ngayun ang mga RASON kung bakit dinagsa ng mga guro ang GFAL sa kasalukuyan:

1. MARAMING GURO NGAYUN ANG GUSTONG MAKAWALA SA UTANG NILA SA MGA BANGKO

Dahil nga ang mga guro ay sa bangko lumalapit sa panahon ng kagipitan, natural din na malaki ang aming mga utang dito. Sino ba namang guro ang gustong habang buhay nalang naka tali sa malalaking utang? Ang solusyon na nakikita naming ay ang pag-avail ng GFAL upang mabayaran ang aming utang sa mga bangko pati na ang mga malalaking interest nito.

2. MARAMI DIN SA MGA GURO ANG MAY MGA UTANG SA LABAS, YUNG TIPONG HINDI NA KASALI SA KALTAS NG PAYSLIP NILA (LENDING INSTITUTIONS WITH HIGH INTERESTS)

Kadalasan sa mga guro ay may mga utang din sa labas ng mga bangko. Mangyayari ito kung ang net pay ng isang guro ay nasa 5,000.00 nalang at wla ng bangko ang pwedeng magpautang sa kanila. Hinahawakan ng  mga pribadong loaning agency ang mga ATM cards ng mga guro kapalit ang halaga ng perang kaylangan nila. Subali’t, ang mga interest ng mga loan sharks na ito ay mas doble ang laki kaysa dun sa mga bangko at minsan umaabot ng sampung taon (10 years) bago matapos. Ito ang mas lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mga guro. Mahirap na ang paglabas dahil sa laki ng babayaran kung kaya, minabuti nalang nila na epa redeem gamit ang GFAL ng GSIS ang kanilang mga utang ditto.

3. YUNG IBANG GURO, GUSTONG MAG AVAIL NG GFAL DAHIL MAS MABABA ANG INTEREST NITO

Ang interest ng GFAL ay mababa at pinaka mababa sa lahat kung kaya,  lamang itong e-avail kumpara sa ibang pautangan. Kumbaga, hindi ka lugi sa serbisyu ng GFAL.

4. DAHIL E RE-REDEEEM NG GFAL ANG MGA MALALAKING LOAN SA BANGKO, KASABAY NITO ANG PAG TAAS NG NET TAKE HOME PAY NG MGA GURO

Ang mas magandang dulot ng serbisyu ng GFAL ay lalaki na ang Net Takehome Pay mo dahil nga masyadong mababa lang ang interest at pwede mong ma avail ay halos 500K o kalahating milyun na kung tinatawag nila ay Top-Up.

5. YUNG IBANG GURO MAS MINABUTING MAG AVAIL NG GFAL DAHIL MAY MGA PROYEKTO SILANG PINAPAGAWA  AT DAHIL MEDYO MALAKI ANG MADADALANG PERA SA GFAL LALO NA PAG NAG TOP-UP KA

Ang iba katulad ko, nag aavail ng GFAL dahil may mga proyekto (housing project, housing renovation, business, etc.) kaming pinaglalaanan sa perang maititira galing sa GFAL (kunyare ang utang mo sa bank is only 200k so  500k ang pwede ma avail, so 500k-200k=300k, may 300k ka pang natitira).

6. ANG IBANG GURO, TAKOT NA MAY IBANG MAG-LOAN UNDER SA KANILANG MGA PANGALAN KUNG KAYA’T MINABUTING MAG-AVAIL NG GFAL

Ang sabi-sabi kasi ng mga gurong mas nakakatanda na ay dapat talaga daw na gamitin ang ating GSIS o dapat may loan account ka talag sa GSIS dahil kung hindi, gagamitin ng ibang tao ang pangalan mo. Totoo ito sa iba dahil marami na ang nakaranas nito kung kaya kahit baguhan palang sa serbisyu ay dapat na mag avail ng kahit na anong loan service sa GSIS.

7. HANGGANG DECEMBER 2020 LANG ANG GFAL KAYA MARAMI NGAYUN ANG HINDI NAGPALAMPAS NG OPORTUNIDAD NA MAKAPAG-AVAIL NITO

Mga kaibigan, hanggang December 2020 nga lang daw ang GFAL kung kaya ay tara na at huwag tayo pahuhuli sa pag avail! Dagsang dagsa ngayun sa  opisina ng GSIS ang mga guro pero dahil online ngayun ang pag aplay, hindi masyadong maraming tao sa mga GSIS offices  at natural na ginawa nila ito para meron pa ring pag-iingat dahil meron pa rin tayong pandemyang hinaharap ngayun. – Clea | helpline PH