Bakit nga ba napipilitan si teacher na dalhin ang kanyang mga school works sa bahay.
Ang trabaho ng isang guro ay nasa paaralan lang dapat ngunit marami sa mga guro sa pampublikong paaralan ang dinadala ang kanilang mga trabaho sa kani-kanilang bahay.
Tututklasin natin ngayon ang mga rason o kadahilanan kung bakit kaya nila ito ginagawa.
1. WALANG KATAPUSAN ANG TRABAHO NG MGA GURO DAHIL ITO AY CYCLE
Ika nga ay hindi natatapos sa apat na sulok ng classroom o paaralan ang mga gawain o trabaho ng isang guro. Madalas, ang mga bagay bagay na hindi na maaaring trabahuin sa paaralan ay dinadala na lamang upang sa bahay nalang gawin at para din masulit ang oras nila para sa pamilya.
2. DAPAT SANA PAGTUTURO LANG ANG POKOS NILA NGUNIT MERON NA DING MGA PAPERWORKS NA DUMADAGDAG PA
Kung dati ay puro pagtututro lamang ang gawain ng mga guro, ngayon dahil na din siguro sa makabagong paraan ng pagtuturo kung kaya ay maraming ibinibigay na gawaing mga paperworks na dapat gawin dahil may deadline ito. Ito ang kadalasan ang dumadagdag sa mga gawain ng bawat guro sa mga pampublikong paaralan.
3. KADALASAN AY HINDI NATATAPOS SA PAARALAN ANG MGA GAWAIN GAYA NG MGA SCHOOL FORMS
Dahil nga ay natural na sa mga guro ang mga school forms ay kadalasan, sa bahay nalang nila ito ginagawa lalo na kung sabado o lingo.
4. MULTI-TASKING NA PAGDATING SA BAHAY PERO NAI-SISINGIT PA DIN ANG MGA GAWAIN SA SCHOOL
Hindi lamang isa kundi marami ang gawaing bahay minsay isinasabay nalang ang pag babantay ng mga chikiting habang gumagawa ng mga gawaing pam-paaralan. Kadalasan ay hindi nakaka concentrate ang mga guro dahil may mga anak din kaya kung naiidlip na ang mga bata ay saka pa lang nila sisimulan ang mga gawain para wala masyadong istorbo.
5. MAY MGA GURO NA MALILIIT PA ANG MGA ANAK NILA KAYA KUNG ORAS NA NG UWIAN AY UWI TALAGA AT DI NA MAG O-OFFERTIME
Ang ibang guro, nkakapag offertime pa pero yung ibang may mga anak na maliliit ay diretso na uwi kung uwian na kaya dinadala nila ang mga gawain at doon na lamang sa kanilang mga tahanan nila ginagawa ito.
6. MAS MABUTING SA BAHAY NA LANG GAWIN ANG IBANG TRABAHO PARA MA SUBAYBAYAN DIN NILA ANG KAGANAPAN SA KANILANG MGA BAHAY
Hindi lamang ang pag-aalaga ng mga bata ang concern ng ibang guro kung kaya minabuti na nilang sa bahay dalhin ang mga gawain sa paaralan kundi pati na din ang pisikal na presensya nila na kailangan dahil na din nandiyan ang mga asawa nila sa bahay. Dapat na mai-babalanse nila ang oras nila para sa kanilang asawa’t mga anak at kaya kung minsan, upang mapadali ang kanilang mga trabaho ay tinutulungan na din sila ng kanilang mga partner gaya ng pag e-encode at iba pa.
Conclusion
Ang isang guro ay modelo ng lahat kung kaya naman pati sa mga gawain ay ginagawan nila ng paraan upang mka habol sa lahat ng dealine. Hindi rin naman lahat ng oras ay napaka busy din ng mga guro. Meron pa ding mga oras kung saan maagang natatapos ang mga gawain kung kaya may oras na sapat pa din sa pamilya. Time management lang talaga ang kailangan upang magawa ang lahat. – Alec | Helpline PH