Ang mga guro at ang kanilang bonus tuwing pasko
(Kadalasang Karanasan ng Marami sa mga Guro tuwing Pasko)
Paborito ng lahat ang buwan ng Disyembre dahil sa dito ibibigay ang mga bonus ng mga empleyado. Isa na ang mga guro sa nag-aabang sa buwang ito dahil dito lang din nila na tatanggap ang mga pamasko.
Dahil sa bonus, marami din ang nag-aabang na mga kamag-anak na mabigyan din sila. Masarap sa kaluoban ang magbigay pero meron din talagang mga panahon na maiinis ka na. May mga panahon na ang mga kamag-anak natin ay nasobrahan na din.
Iisa isahin nating ngayon ang mga kadalasang nararanasan nag mga guro tuwing pasko na medyo ay hindi ka-aya aya.
Tuwing pasko, may mga bonus na natatanggap ang mga guro ngunit pagdating sa bahay, ubos kaagad ito.
Wla ng matitira dahil nakalaan na sa lahat ng gastusin sa bahay at sa mga kamag-anak na hihingi pa.
Ang akala ng iba basta guro maraming bonus na natatanggap at hindi nauubos ang pera.
Bakit kaya halos lahat ng tao ganito ang pagkakabasa nila sa aming mga guro? Sa totoo lang, ang pera namin kadalasan ay naka loan na. Ang bonus na aming tatanggapin ay may nalaanan na din.
Hingi ng hingi lahat ng pamasko at sila pa yung nagsasabi kung magkano ang gusto nila.
Okay lang humingi ng pamasko isang beses pero sana hindi naman yung paulit ulit. Nauubos din po ang kakarampot na bonus namin. At kung hihingi ng pamasko ay di dapat mag demand kung magkano.
Nag-aabang talaga ang mga tao sa paligid ninyo para makahingi at akala nila talaga ay di nauubos ang pera.
Mas nauuna pang mag-abang ang mga kamag-anakan sa bonus na ma tatanggap namin. Malayo pa ang bonus pero may hiling na sila sa inyo.
Pag hindi nakapag-bigay si guro ay madamot na agad.
Minsan pa ay nasasabihang madamot kaming mga guro kapag di nagbibigay. Hindi po namin pinipitas lang ang pera kaya matuto po tayong maghintay sana kung bigyan o hindi.
Ang buong akala ng lahat ay mayaman kaming mga guro.
Sa para sa kaalaman ng lahat, hindi po mayayaman ang mga guro ng dahil lang sa bonus. Ang bonus ay nauubos agad sa isang iglap lang. Intindihin po ninyo kung minsan ay walang maibibigay.
Ang panahon ng pasko ay panahon ng pagbibigayan ngunit ito parin ay depende sa tao. Mabuti nalang nating gawin ay maghintay kung bibigyan tayo o hindi. Dahil mas masarap makatanggap na bukal sa puso ang nagbibigay.
Pakatandaan din na hindi lahat ng nakasulat ay pawang magkapareho sa lahat ng guro dahil magkaiba naman ang estado ng pamumuhay. Ito ay base lang sa pangkalahatang tagpo sa totoong buhay ng mga guro. – Avril | helpline PH