Overworked daw ang mga studyante
Dahil nga sa patuloy na pakikibaka ng DepEd sa karunungan ng mga mag-aaral na kahit na pandemya ay itinutuloy neto ang pagbibigay ng edukasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang modalities ng pagtuturo at ang pinaka ginagamit ngayon ay itong tinatawag na “modular learning”. Ang modular learning ay isang uri ng modality kung saan ay binibigyan ng mga modyuls ang mga bata bawat subject at ito ang kanilang pinag-aaralan at meron din silang mga activities o assessment na sasagutan upang mas mapabisa pa ang kanilang pag-araal.
Sa kabila ng pagsisikap ng mga guro sa paghahanda ng kani-kanilang modyul, meron at meron talagang mga reklamo na natatanggap ang mga ito galing sa mga magulang ng mga mag-aaral. Inulan ng argumento at komento ang pagbibigay ng mga modyul ng mga guro sa mga paaralan. Ito ngayon ang ating pag-uusapan upang magbigay linaw din sa pangalan ng mga guro nating gumagawa lamang ng kanilang mga tungkulin.
Sa pagrereklamo ng mga magulang…
Maraming mga magulang ang nagrereklamo dahil daw “overworked” o bugbog na daw ang mga studyante nila dahil sa dami ng mga subjects na kanilang pag-aaralan sa isang linggo at pagkatapos ay meron pa itong karagdagang mga activities kung saan ay sasagutan ng mga bata. Ayon sa mga magulang, napapagod na daw ang mga bata dahil madami ang mga gagawin at lahat ng paksa ay sasagutan. Minsan daw ay nasasali pa sila dahil sila din ang tumutulong sa paggawa ng mga ito (lalo na sa elementary). Halimbawa sa hayskul, may walong (8) subjects ang mga bata at walo din ka activities ang dapat masagutan sa loob ng isang linggo. Ito ay ikinokomento at inirereklamo ng mga magulang.
Dahil nga siguro nakikita ng mga magulang na nahihirapan ang mga anak nilang estudyante kaya isinisisi nila ito sa mga guro na gumagawa lamang ng mga tungkulin nila. Sa mga guro nila ibinubuntong ang lahat ng mga sisi. Sa lahat ng pagkakataon ang guro ang laging may kasalanan sa lahat ng nangyayari.
Sa katayuan ng mga guro na gumagawa lamang ng kanilang tungkulin…
Kahit minsan ay ang laging inisiip ng mga guro ay ang kanilang mga estudyante. Sino ba namang guro ang gustong mahirapan ang kanilang mga mag-aaral? Kung ako ang tatanungin ninyo, para hindi na mahirapan ay gagawing maikli o ibubuod nalang ang lahat ng paksa para sa kapakanan ng inyong mga anak. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi saklaw ng mg guro ang pag edit sa mg modyul na galing sa itaas. Ang lahat ng modyul na nai-print ay glling mismo sa itaas o sa division at lalong bawal itong i-edit dahil naka Quality Assured na ito. Kumbaga lahat ng printed materials ay ibinigay ng DepEd mismo sa mga division office at pawang yun na ang ibibigay sa mga mag-aaral. Wla na pong magagawang edit ang mga guro (pwera nalang doon sa mg subjects na wla talagang galling sa itaas tulad ng TLE_Processing kung saan ay ang mismong guro ang gumagawa ng modyul niya ngunit ito ay tsine-tsek ng QA team ng paaralan). Huwag ninyong isisi sa mga guro ang bigat ng mga akibidad natin ngayun dahil kung tutuosin ay pawang galing naman sa itaas at sumusunod lamang ang mga guro dito. Kung pwede nga lang sana ay iklian nalang ang paggawa ng mg activities para din hindi masyadong nakakapagod ang mag-check ng mga sagot ng bawat bata. Pero nga, hindi nga saklaw ng mga guro kung anong ibibigay ng itaas ay siyang susundin.
Sa sinasabi namang bugbog na ang studyante sa mga gawain ngunit kung tutuusin, lahat tayo kung magtutulungan pati ang mga magulang ay kaya namang hatiin ang bawat oras sa mga paksang mahihirap, at siguro naman ay mahaba na ang isang linggo para diyan. Ngayon kasi, ang mga magulang masyadong sinsitibo pagdating sa mga anak kumbaga mas pina pamper natin ngayon ang ating mga kabataan kung kaya naman ay pawang dependent sila at hindi makatayo sa kani-kanilang mga paa. Hindi ko sinasabing lahat dahil may mg studyante naman talagang magaling mag manage ng kanilang oras (time management). Sana lang ay yung mga nag rereklamong mga magulang, natingnan din naman sana nila kung ano ang lifestyle ng mga anak at baka tinatamad gumawa ng activities at magbasa ng modyul dahil baka merong ibang pinagkaka abalahan (baka ng lalaro ng ML oh nag ti TikTok lang).
Ang magagawa ng guro, magulang at mag-aaral…
Para sa ikapapanatag ng loob ng lahat, matuto nalang tayong habaan ang ating pasensya at magtulong-tulong tayong lahat para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral. Hindi ma lulutas ang ating mga problema at hinaing kung puro tayo reklamo at komento. Sayang lang ang laway at pagod sa mga reklamo, mas mabuti pang umaksyon nalang tayo at kung ikaw man ay magulang , tulungan mo ang iyong anak sa kung hanggang saan mo makakaya, at kung hindi talaga kaya ay pwede namang sumangguni sa guro dahil may mga kontak number naman kayo sa kanila. Maraming salita, maraming kamaliang magagawa.
“Never complain, never explain. All is a gift, all is plain.” – Clea | Helpline PH