Skip to content

Tulong sa mga Gurong Mahahawaan ng Covid19 Pinasisiguro sa DepEd

Tulong sa mga Gurong Mahahawaan ng Covid19 Pinasisiguro sa DepEd

Pinatitiyak ng isang teachers’ group na mabibigyang tulong ng Department of Education ang mga gurong mahahawaan ng Covid19 lalo na’t mag-uumpisa ang limited face-to-face classes.

Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition chairman Benjo Basas, dapat lumagda ang DepEd sa isang dokumento upang matiyak na tutulungan ng DepEd ang mga guro.

“Upang matiyak ang pananagutan, dapat lumagda sa isang dokumento ang DepEd na tutulong o mananagot ang ahensiya sakaling mayroong mahawaan ng Covid19 dahil dito,” sabi ni Basas.

Iginiit ni Basas na mahalaga ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro at estudyante sa pagbubukas ng limited face-to-face classes.

Ayon naman kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma na pag-aaralang ng DepEd kung job-related ang pagkakahawa ng virus.

“Ang DepEd naman po ay siyempre susuriin po natin ‘yong sanhi ng pagkakahawa o transmission ng teacher, ito ba ay job-related,” ayon kay Garma.

“Then that is when we determine [kung] ano ba ang tulong na puwede nating ibigay sa kanya. Hindi lang ako makatugon kung ito ba ay monetary or otherwise,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *