Estudyanteng walang pambili ng tsinelas, binigyan ng saging ang kanyang guro
Maraming kabataan ngayon ang salat sa buhay at walang pambili ng tsinelas man lang. Hindi nila naranasan ang kasagaan tulad ng mga batang may kaya. Kahit paman sa kanilang sitwasyon, sila pa yong mga batang pursigido sa pag-aaral. Sila din yong mga batang mataba ang puso sa kanilang kapwa.
Isa na dito ang kwento ng isang batang walang pambili ng tsinelas ngunit mapagbigay. Naantig ang puso ng gurong si Ryan James Duenas sa kabaitan ng kanyang estudyante.
Ayon sa post ni teacher Ryan sa social media, lumambot ang puso niya sa ginawa ng batang si Manuel. Si Manuel kasi ay ang estudyanteng walang pambili ng tsinelas ngunit mapagbigay. Ayon sa guro, binigyan siya ng munting regalo ng bata.
Pahayag ni teacher Ryan, nagsimula na ang kanilang klase ng dumating si Manuel. Hindi raw ito nakasuot ng tsinelas. Tahimik lang daw ito ngunit hindi mapakali. Nilapitan daw niya ito at agad nitong inabot ang saging na galing sa bag nito. Nabigla si teacher Ryan dahil hindi niya inakalang makatanggap siya ng prutas.



Nag-viral naman agad ang post ni teacher Ryan at umani ng mga positibong komento. Humanga ang mga netizens sa taglay na katangian ng bata. Bihira nalang kasi ang mga batang may ganitong kalidad sa kasalukuyan. Ang mga batang ito ay dapat na pangalagaan pa natin ng husto.
Napakasaya ng guro ng matanggap niya ang saging. Kahit anong bagay kahit, gaano kaliit man yan kung galing sa puso ay napakasarap. Marahil ito ang naramdaman ng gurong si teacher Ryan.
Sa ipinakita ng batang si Manuel, malalaman na agad natin na napalaki siya ng maayos. Marahil ay mabubuting tao rin ang mga magulang ng bata.
Matapos ang viral post na ito ay abot abot naman ang tulong na natanggap ng bata. Isang inspirasyon ang batang si Manuel para sa lahat. Ang paghubog ng karakter ng isang bata ay talagang nagsisimula sa kanyang tahanan. – Clea Helpline PH