Tig-iisang printer sa bawat guro, Viral!

    Tig-iisang printer sa bawat guro, Viral!

    Pangarap ng bawat guro ang magkaroon ng tig-iisang printer ngayong pasukan. Ito ay upang mapadali ang pag printa ng kanilang modules na siyang gagamitin sa buong taon.

    Ito ay naging maka totohanan sa isang paaralan sa Zamboanga del Sur. Sa Libayoy National Highschool, tumanggap ng tig-iisang printer (brand new) ang bawat guro. Hindi lamang printer kundi pati na rin bondpapers ang kanilang tinanggap.

    Lubos lubos ang kasiyahan ng mga guro na makikita natin sa post ni Ma’am Lilybeth P. Halasan. Ito kasi ang pangunahing pangangailangan ng lahat ng guro sa kasalukuyan. Dahil sa pandemya, distance learning o modular pa rin ang pamamaraan ng edukasyon.

    Malaki ang pasasalamat ng mga guro sa kanilang principal na si Sir Arnold Consolacion. Siya kasi ang nanguna sa pagbili at pagkaloob ng mga kagamitan sa kanyang mga guro.

    Galing sa MOOE ang perang ginamit nila sa pagbili ng lahat na kailangan ng mga guro. Hindi lamang tig-iisang printer at bondpapers kundi mga face masks at shield na rin.

    Manghang mangha naman ang mga guro sa ibang rehiyon na nakabasa sa post na ito. Hindi kasi lahat ng paaralan ay ganito kabilis ang pag gamit ng MOOE. Hindi rin lahat ng paaralan may saktong pondo para dito. Kadalasan sa mga paaralang may sapat na pondo ay iyong malalaking paaralan.

    Maswerte ang mga gurong ito dahil hindi sila pinaba-bayaan ng kanilang principal. Sa panahon ngayon, lahat ng maaring gamitin para lang maka tulong sa paaralan ay pwede. May ibang paaralan ang umaasa lamang sa mga donations.

    See also  Ibinida ng isang guro ang penmanship ng kanyang estudyante na mala-typewriter ang dating

    Layon mga guro ang magbigay ng saktong edukasyon kahit paman sa banta ng Covid. Tila walang kasiguraduhan kung kelan maglalaho ang pandemya. Kahit paman sa mga pagbabanta, tuloy pa rin ang buhay at pangarap ng ating mga kabataan. Dahil dito, tuloy din ang mga guro sa pagbibihgay ng na-aayon sa mga mag-aaral. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *