Dating guro gumawa ng isang rolling community pantry para tumulong

    Rolling community pantry

    Hindi naging hadlang ang kawalan ng trabaho ng isang dating guro upang tumulong sa mga nangangailangan.

    Si Lyra Royo, dating private school teacher, ay nag-organisa ng isang ‘rolling community pantry’ para sa mga homeless sa Quezon City.

    Gamit ang kanyang E-bike nagdadala siya ng bigas, gulay at iba pang pagkain sa mga nangangailangan.

    “Masaya po sila hindi lang dahil sa kanilang natanggap kundi dahil alam nila na kahit papaano ay may nakaalala at nagmamalasakit sa kanila,” ani niya.

    Natanggal sa trabaho si Teacher Royo dahil sa pandemic.

    “Since 2015 po ang advocacy ko na po ay tulungan ang mga homeless dahil sa batang lansangan na nakilala ko noon sa Quiapo. After ko po siya makilala every December po ay ipinagdiriwang ko na ang Pasko kasama ang Batang Quiapo,” pahayag ni Royo.

    Ayon kay Royo, masaya siya na nakakatulong sa mga tao kahit sa munting paraan.

    “Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ng ganito. Sobrang saya nila sa nakuha nila na halos maiyak pa sa tuwa kasi parang nasa grocery daw sila namimili,” dagdag pa niya.

    See also  Public School Horrors: Real or Myth?

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *