Skip to content

Private School Teacher nawalan ng trabaho, nagbebenta na lang ng pagkain para makaraos

Private School Teacher nawalan ng trabaho, nagbebenta na lang ng pagkain para makaraos

Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming mga magulang ang hindi na kayang pag-aralin ang mga anak sa pribadong paaralan at inilipat na lamang sa mga pambulikong paaralan.

Kaya maraming mga pangpribadong paaralan ang napilitang magsara at ang kanilang mga guro ay nawalan ng trabaho.

Sa post ng isang netizen, namataan niya ang isang guro na nagbebenta ng ibat-ibang pagkain para mairaos lamang ang mga pangangailan araw-araw.

Nawalan ng trabaho si Ma’am dahil nagsara ang pribadong paaralan na kanyang pinagtatrabahoan.

Basahin ang post ni Karlo Ternora para sa buong kwento at sana ay matulungan natin si Ma’am kahit papano.

“Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nag bebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend’s house I decided to refill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sakin si Ma’am she even called me “Anak” baka gusto mo bumili ng paninda ko. As I heard the word anak naalala ko bigla mga Guro ko mga pangalawang nanay natin sa Eskwelahan.I asked what happened po sainyo? Sabi nya “wala na ako trabaho kasi dahil sa Pandemic as what it says sa hawak nya. Sobrang lungkot. Biglang abot ng sukli si kuya gasoline boy, di manlang umabot ng hundreds pera ko na naiabot.. she even insisted to get some of her goodies nya. Kaso I resist dahil galing akong kainan. If only I have extra time gusto ko sya i-treat sa katabing jollibee kaso kelangan nadin maka uwi. From happy moments bigla ako natulala while driving I have what ifs sa utak ko.. ang tanda na nya pano kung may Covid ma bentahan nya o umulan o di naubos tinda nya pano na sya? I asked her permission kuhanan ko sya, sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers ”

Credit: Karlo Ternora

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *