Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Principal, gustong manaksak ng rider dahil sa scam na parcel na natanggap

Principal, gustong manaksak ng rider dahil sa scam na parcel na natanggap

Nag viral ngayon sa Facebook ang isang principal na gustong manaksak ng rider. Nakatanggap kasi ang asawa niya ng scam na parcel na puro plastic lang ang laman ng buksan sa harapan ng rider.

Medyo mainit ang naging diskusyon ng asawa nito at ng rider. Gusto ng asawa ng principal na ibalik kaagad ang pera dahil na scam nga sila ngunit ayaw ng rider. May iba daw kasing proseso para sa “refund” ng item kapag mga ganitong sitwasyon. Nagalit ang principal at nagbanta na saksakin ang rider kapag hindi neto isauli ang pera.

Ito ang dahilan kung bakit nagviral ang principal na gustong manaksak ng rider. Punto por punto nating ibibigay ang ating opinyon dito sa sitwasyong ito.

Para kay rider:

Sana ay ipina-intindi niya ng maayos ang sitwasyon lalo na kapag ganon. Medyo may edad na ang mga cutomer kaya hindi agad alam ang refund process. Siyempre natural lang na magalit ang customer dahil nga na scam sila. Kahit sabihin ng rider na wala silang alam sa nasa loob ng parcel ay dapat handa siya sa mga ganong tagpo. Kung ako ang customer, dalawa ang maiisip ko. Una, may kumuha sa order ko sa loob ng parcel at ibinalik sa pagka-wrap ang package na parang wlang nangyari. Pangalawa, mismong ang shop na pinagbilhan ko ang scammer. Ito ang dahilan kung bakit bilang isang rider ay alisto ka at dapat may pananggalang ka sa lahat ng oras.

Para kay Misis:

Dapat sana ay nakinig siya sa explanasyon ng rider at saka na siya nagpahayag ng sa kanya. Hindi kasi sila magka intindihan dahil parehong nasa tuktok sila ng mga emosyon nila. Ang rider na ayaw ibigay ang refund dahil charge sa kanya at si misis na gustong kunin ang pera dahil sa scam.

Sir Principal:

Sa lahat siya dapat ang may malawak na pang-unawa dahil mataas ang tinapos niya. Sa nakita ko sa video, siya ang unang nawalan ng preno at gusto pang manaksak gamit ang gunting. Sana siya ang kumausap ng mahinahon para saan pa’t principal naman pala siya? Kung ako siya, pakikinggan ko ang panig ni rider. Siguro naman mas may pera si principal kaya mas kaya pa niyang mawala sa kanya ang 300 pesos diba? Makikita pa naman niya ang 300 pesos ngunit si rider, isang buong araw na sahod niya na iyon, ikakaltas pa sa charge. Kumbaga kahit alam ni principal na na scam sila, ipagsa walang bahala nalang muna niya iyon. Mas masarap naman sa pakiramdam ang makatulong diba? Ngunit hindi niya ito pinalagpas. Nagalit siya at nagbanta.

Video credit: Tagumeño Disiplinado 2.0
Para sa ating lahat, lahat ng problema ay kayang masolusyunan kung mahinahon tayo. Dapat makinig din tayo sa panig ng iba bago natin pairalin ang ating emosyon. Sana ang kwentong ito ng principal na gustong manaksak ng driver ay mapagkunan natin ng aral. Dapat din matuto tayong maging mapagbigay lalo pa sa pandemyang hinaharap natin ngayon. – Clea | Helpline PH

OUR LATEST POST