Mobile Graduation ng Lawigan Elementary School, Isang Inspirasyon

    Mobile Graduation ng Lawigan Elementary School, Isang Inspirasyon

    Nakakaantig ng puso at nakaka-inspire ang ginanap na “Mobile Graduation” ng Lawigan Elem. School. Nag-viral kasi ang post ni teacher Rosalina Serquino sa ginawa nilang “Mobile Graduation”. Ito ay naganap sa Lawigan Elementary School sa Antique. Gumamit sila ng kalabaw upang maisakatuparan ang gradwasyon  ng mga bata. Dahil dito, lubos ang kasiyahan ng mga batang nagsipagtapos sa elementarya.

    Ramdam din ang saya sa bawat mukha ng mga magulang dahil nabigyan pa rin ng paraan ang pagtatapos ng mga anak. Kahit pa man sa banta ng pandemya, hindi ito naging hadlang sa malaking araw nila. Alam naman nating pangarap ng bawat magulang na tumuntong ng entablado. Kahit paman sa banta ng pandemya, hindi naudlot ang kanilang pangarap. Napakahusay ng plano ng mga guro sa naisip nilang Mobile Graduation.

    Tunay na inspirasyon nga ang ginawang ito ng mga guro ng paaralan. Dito natin makikita na mahusay at mapamaraan talaga ang mga guro natin. Walang imposible kung magtutulungan ang lahat sa gugustuhing mangyayari. Iba-ibang diskarte talaga ang naiisipan ng mga guro ngayon para sa kanilang mag-aaral.

    Nakakamnagha at nakakataba ng puso ang bawat hakbang na ginagawa ng ating mg guro ngayon. Ang buong akala natin ay mahirap ang magsagawa ng gradwasyon. Bagaman mahirap ay may mga pamamaraan pala talaga kung may tiyaga ang bawat isa. Sa lahat ng ating mga guro, saludo kami sal lahat ng pagod at sakrispisyo ninyo sa panahong ito.

    Sa lahat ng mga mag-aaral na nagtapos ngayong pandemya, mabuhay kayong lahat. Isang karangalan ang inyung nakamit ngayon. Hindi lamanng sa lahat ng sakripisyo kundi sa lahat ng oras na pag-aaral pa rin ang inuna ninyo. Syempre, pasalamat na din sa inyung mga magulang. Kung hindi dahil sa mga sakripisyo nila, malamang hindi ninyo maabot ang tagumpay. Manalig at ipagdasal natin na sa susunod na mga araw ay makakabalik na tayo sa ating normal na buhay. – Clea | Helpline PH

    See also  Estudyanteng Nabaliw raw dahil sa Module: Reaksyon ng isang Guro

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *