Skip to content

Guro sa Tondo nagtayo ng community pantry

Guro sa Tondo nagtayo ng community pantry

Isang guro sa Tondo, Manila ang nag-organisa ng nauusong community pantry sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ayon kay Gianelli Kryas J. Manrique, isang English teacher na-iinspire siya sa mga taong tumutulong sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemya.

“Na-hype kami sa good deeds na sinimulan ng maraming ordinaryong tao. Eh ordinaryo rin kami. Isa pa, noong time na ‘yun, wala pang gumagawa sa Tondo kaya naisip naming mag-put up,” sabi ni Manrique.

“Gaya ng community pantry sa ibang mga lugar, sumandig kami sa komunidad talaga. Sa tulong ng mga kaibigan, kaguro, kamag-anak at kahit hindi naman talaga kakilala ay nagbibigay. ‘Yun ang nakatutuwa. At sa tuwing nagpo-post sa social media at nakikita ang camaraderie, talagang dumadagsa ang tulong,” dagdag niya.

Para sa kanya, ang community pantry ay isa ring tulay sa pagkabuklod-buklod at pagtutulungan sa ating lipunan.

“‘Yung komunidad kasi, sama-samang gumagalaw ‘yan. Nakararanas ng sama-samang epekto. Kung ang epektong nararanasan ng komunidad ay maganda tulad ng naidudulot ng community pantry, wala sigurong komunidad na nagkakanya-kanya. Walang nangingibabaw na personal na interest,” paliwanag niya.

Ayon kay Manrique na naipagpatuloy nila ang community pantry sa tulong na rin ng mga donasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *