Madiskarteng “Face to Face” Na Klase ni Sir Kahit Pandemya
Ngayong pasukan ng taong 2021, hindi pa rin pwede ang “face to face” learning dahil sa nasa sulok pa rin ang virus. Dahil dito kanya kanyang diskarte ang mga guro sa pagbibigay ng kanilang mga leksyon. Modyular pa rin ang pamamaraan ng halos lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Sa talakayang “face to face”, nag viral naman ang isang ulirang guro na taga Iloilo. Si teacher Jessie Comprendio, 42 ay nag-isip ng paraan upang magka “face to face” sila ng mga bata. Ibang “face to face” ang bigay ni sir ng guro sa kanyang mga estudyante.
Kakaiba ang naisip na paraan ni Sir Jessie Comprendio, 42, para sa kanyang mga estudyante. Nilagyan niya ng larawan ng kanyang mag-aaral ang bawat silya. Dito nya inilalagay ang mga modules na dapat kukuhanin ng mga magulang nga mga bata.

Ayon kay sir Jessie, gusto niyang maramdaman na may mga estudyante siya kaya niya ito ginawa. ” Ginawa ko ito para ma-feel ko na may mga bata akong kaharap saad ni sir Jessie sa panayam ng CNN noong Styembre 13. “Gusto ko ring maramdaman ang pagiging isang guro na nagtuturo na kasama ang mga bata.”
Sa mahigit dalawang dekadang pagtuturo ni sir Jessie ay nasanay siya na may mga bata. Ito marahil ang dahilan na nangungulila din siya sa presensya ng mga estudyante niya. Nagtuturo si sir Jessie sa Calinog National Comprehensive High School sa Iloilo province.
Ang kwento ni sir Jessie ay patunay na hindi literal na “face to face” ang kaylangan natin sa ngayon. Ang kaylangan ay ang matatag na kaugnayan sa mga mag-aaral kahit paman sa pandemya. Magagawan naman ng diskarte ang bawat hakbang kung may positibong pag-iisip ang guro.
Magsilbi sanang inspirasyon ang kwentong ito sa lahat ng mga guro sa bawat sulok ng bansa. Hindi man kapiling ang mga mag-aaral ay tuloy pa rin ang laban para sa edukasyon. – Clea | HelplinePH