Ang Kwento Ng Isang Batang Mangyan Na Nag-Donate Ng Kamote Para Sa Iba, Nakakamangha At Inspirasyon Ang Dala

    Ang Kwento Ng Isang Batang Mangyan Na Nag-Donate Ng Kamote Para Sa Iba, Nakakamangha At Inspirasyon Ang Dala

    Nakaka antig ng puso ang kwento ng isang batang mangyan na may pambihirang kabuhitan. Makakatanggap siya ngayon ng isang full scholarship. Paniguradong makakapag-aral na siya mula elementarya hanggang kolehiyo.

    Ano ba ang ginawa ng batang mangyan na ito? Sa hirap ng kanyang buhay, nagbigay pa siya nag donasyon na kamote. Ito ay para sa isang community pantry sa Occidental Mindoro. Umagaw ito ng atensyon ng mga tao. Sa murang edad nito ay marunong na itong tumulong sa kapwa.

    camote1

    Credit: John Christopher Lara / Facebook

    Ito ang batang mangyan na si Cornelo Sinagmayon mula sa Tribung Alangan Mangyan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Taglay niya kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa. Ito ang dahilan kung bakit siya ay binigyan ng full scholarship.

    Dito napahanga ang organizer na si John Christopher Lara. Ang munting aksyon ng bata ay nagbigay inspirasyon at naging huwaran sa nakararami. Hikahos man sa buhay ay hindi niya nakakalimutan na magbahagi sa ibang mas nagigipit.

    camote2

    Credit: John Christopher Lara / Facebook

    Ang kamoteng bigay ng bata ay sumusimbolo ng pag-asa. Pag-asang may mga tao pa talagang mabusilak ang puso na handang tumulong. Sa murang edad ay nakitaan na ng pag-asa ang batang mangyan. Napaka swerte ng mga magulang ng batang ito.

    camote3

    Credit: John Christopher Lara / Facebook

    Sa murang edad na 9 ay inspirasyon ng marami ang batang mangyan na ito. Hindi kaylangan na mamahalin ang ibigay mo sa iyong kapwa upang makatulong. Ngayong pandemya lahat ng klase ng tulong ng iba ay kaylangan ng marami. Maging sa emosyonal na bahagi ng ating buhay ay kaylangan pa rin ito.

    Lahat tayo ay nahihirapan sa labanan ng buhay ngayong pandemya. Kahit paman dito, may isang sinag galing sa mga mata ng bata gaya ni Cornelo na nagbibigay liwanag. Ngayong papalapit na ang pasko ay ating isabuhay ang pagiging isang biyaya sa iba. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *