Skip to content

Duterte sa dagdag sahod ng guro: “Nag-iipon na po ako”

Duterte sa dagdag sahod ng guro

Ibinahagi ni Pres. Duterte na naghahanda at nag-iipon ang gobyerno noon para maglaan ng pondo para sa salary increase ng mga guro bago dumating ang COVID-19 pandemic.

Isa ito sa nabanggit sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng katatayong High School sa Valenzuela City.

“Nag-iipon na po ako sa totoo lang kasi sabi ko next ang teacher. Totoo ho iyan.”

Sinabi ng pangulo na alam ito ng DepEd Secretary Briones. Ngunit sadyang bumagsak ang ekonomiya at kailangan unahin ang kapakanan ng taong bayan sa gitna ng pandemiya.

Nabanggit din ng pangulo na malapit sa puso niya ang mga guro. At sinabing ang kanyang ina ay naging isang guro din.

5 thoughts on “Duterte sa dagdag sahod ng guro: “Nag-iipon na po ako””

  1. It’s a “miracle o milagro” seguro kon ma isakatuparan ang sinabi ni Pangulong mayor Rogrigo Roa Duterte sa susunod na taon, bago matapos ang kanyang termino na Republika na Pilipinas.

  2. I believe in our President.Nagawa nga nyang free tuition ang college eh.Sana nga ung PERA-ACA nalang ang dagdagan tax exemp un.Just wait and pray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *