Reaksyon patungkol sa mga gurong ipinatulfo ang kanilang principal
Sa panahon ngayon, hindi na nga malabong may mga reklamo ang mga guro sa mga principal nila. Kung dati ay nakokontrol pa ng mga guro ang kanilang mga saloobin kahit pa may mga hinanakit sila. Mas nananaig pa rin dati ang awtoridad ng mga principal sa lahat ng pagkakataon.
Sa usaping ito, tila nagbago na ang ihip ng hangin sa kasalukuyan. Kamakaylan lang ay umugong online ang mga gurong ipinatulfo ang kanilang principal. Sa progamang Tulfo In Action sa Youtube ay nagsilabasan ang mga gurong nagreklamo. Di umanoy sobra na ang pang-iinsulto ng principal kaya nawalan na sila ng tiwala sa sarili. Palagi daw silang ipinapahiya at minamaliit ng kanilang principal. Sobrang na depressed na ang isa sa mga guro dahil sa ugaling ito ng kanilang principal.
Ang nasangkot sa reklamo ay mga gurong “seasoned” na at yung medyo matagal na sa panunungkulan. Kung makikita ninyo sa video, mas bata ang kanilamng principal. Kadalasan sa mga seasoned teacher ay hindi bihasa sa teknolohiya kaya madalas nagpapatulong. Ito marahil ang ikinagalit ng principal nila dahil siguro may mga trabahong “backlog”.
Kung ang video ang pagbabasihan, medyo may mga salita ngang hindi maganda sa pandinig. Kumbaga pwede namang hindi sa ganoong paraan ipahiya ang mga guro niya. Imbes na tulungan ay mas napahiya pa tuloy ang mga guro . Sa kabilang-banda, mainam na tulungan nalang ang mga seasoned teachers. Sa napakaraming paaralan sa bansa, marami namang seasoned teachers na katulad nila. Nahihirapan din sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya pero tinutulungan ng ibang guro.
Ang tao ay iba-iba ng ugali at iba-iba ang pananaw sa mga pangyayari. Karapatan din naman ng mga guro na ireklamo ang kanilang principal kung may problema. Hindi natin talagang matukoy base lamang sa isang video kung sino sa kanila ang may mali. Wala naman tayo sa paaralan nila kaya hindi natin alam ang buong kwento. Napaka swerte pa rin ng mga skwelahang mababait at mahinahon ang mga principal. Yung tipong walang tinatapakan at hindi nakakasakit ng kapwa. – Clea | Helpline PH