Mga guro at magulang susuporta sa pag-ban ng Mobile Legends dito sa Pilipinas
Supurtado ng mga guro at magulang ang pag-ban ng Mobile Legends dito sa ating bansa. Ito ay dahil napakarami ng naidudulot nitong negatibo sa kabuuang kalusugan ng lahat. Hindi lamang kasi ang mga kabataan ang nahuhumaling dito, pati na rin yung mga matanda na. Kung sa mga matatanda na, walang problema ang paglalaro nito. Mas nakokontrol na kasi ng mga matatanda ang oras at ang kanilang aktibidad sa paglalaro. Ngunit sa mga kabataan natin, problema ang dulot nito. Kaya naman maraming magulang ang nagsasabing dapat ipagbawal na ang paglalaro ng ML. Supurtado ng mga guro at magulang ang pag-ban ng Mobile Legends dito sa ating bansa.
Narito ang iba’t-ibang negatibong naiduddulot nito sa ating mga kabataan:
1. Puyat at pagod sa kakalaro mula umaga hanggang gabi at minsan aabutin pa ng madaling araw.
2. Hindi na nakakapag-aral ng maayos dahil nahuhumaling na sa paglalaro ng ML.
3. Ang mga magulang na ang gumagawa ng mga module dahil hindi na nito nagagawa pa ang sumagot sa module dahil sa laro.
4. Ubos ang pera dahil kelangan magpaload para panglaro.
5. Hindi na mautusan ang mga anak dahil babad sa paglalaro ng ML.
6. Nagkakasakit na ang karamihan sa kabataan natin dahil sa paglalaro ng ML.
7. Hindi maganda sa mental at pisikal na kalusugan ng mga kabataaan ang palaging babada sa laro.
8. Walang ehersisyo ang mga kabataan at humihina ang resitensya.
9. Hindi na makakain ang iba dahil ayaw paawat sa kanilang laro.
10. Hidi nauutusan, walang trabahong nagagawa sa bahay at palaging puyat ang mga kabataan.
Ito ay iilan lamang sa mga negatibong dulot ng larong ito ngayon. Lalo na ngayong pandemya kung saan module ang pamamaraan ng edukasyon. Ang laro ay mabuti kung ilagay sa moderasyon. Ito ay dapat hindi gingawa sa umaga, tanghali at sa gabi. Ang laro ay pampalipas oras lamang sana. Supurtado ng mga guro at magulang ang pag-ban ng Mobile Legends dito sa ating bansa dahil dito. – Clea | Helpline PH