Nagbabayad ang mga magulang upang may taga-sagot sa module ng kanilang anak

    Nagbabayad ang mga magulang upang may taga-sagot sa module

    Maugong ngayon ang ulat hinggil sa magulang na nagbayad ng taga-sagot sa module ng anak. Ayon sa DepEd ay iniimbistigahan na nila ito.

    Ika nga hindi lahat ng mag-aaral ngayon ang natututo. Ito ay dahil hindi naman sila ang gumagawa mismo ng kanilang mga module. Ibig sabigin, may iilan na ang mga magulang, ate, kuya o kahit kamag-anak ang siyang gumagawa nito. Ito ngayon ang katotohanan sa panahon ng pandemya. Halos lahat ng mga magulang ginagawa ito para maipasa sa tamang deadline ang mg module ng anak.

    Meron din talagang mga magulang na nagbabayad ng tao para lamang masagot ang module ng anak. Ang usaping ito ay nakapagbigay ng sakit sa ulo sa aming mga guro. Sa lahat ng pagkakataon, hangad naming matulungan ang mga mag-aaral. Sa panahong ito medyo mas naging tamad ang ibang estudyante sa kanilang mga gawain. Ang mga magulang naman ay agad-agad hahanap ng taong gagawa ng tungkulin ng mga anak nila.

    Bilang isang guro, may mga standard din kaming sinusunod. Masarap sa pakiramdam na malaman na ang mga mag-aaral ay sumusubok. Yung tipong sila talaga ang gumagawa ng kanilang module. Maliit man o malaki ang iskor basta sila ang naghirap sa module nila. Sa panahon kasi ngayon, hindi ang sagot sa module ang basehan kung magaling at matalino ang bata. Mismong ang pasensya at ang hirap sa pag gawa ng module o anumang proyekto ang mas masarap na makita.

    Ngayong pandemya, ang mga aral na napupulot ng mga bata ay malawak. Hindi lamang nasa module kundi pati na rin sa totoong pakikibaka sa buhay. Kahit gaano ka laki ng iskor ng mag-aaral kung iba naman ang gumagawa ay wala pa rin itong saysay.

    Para sa mga magulang, tulungan ninyong matuto ang inyong mga anak. Huwag ninyong akuhin lahat. Tandaan ninyong mas magaling na guro ang karanasan at praktis. – Clea | Helpline PH

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *