Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Mga rason kung bakit hindi pwedeng walang internet connection si teacher

Hindi pwedeng walang internet connection si teacher

Hindi agad nakilala ng mga guro ang importansya ng internet. Marami pa din ang umaasa sa tradisyunal na nakasanayan nila. Maging sa pag re-research ay sa mga library pa rin sila pumupunta.

Unti unti naman itong nagbago sa mga nakalipas na mga taon. Kinailangan ng mg guro na mag “upgrade” na din at makibagay sa modernong teknolohiya.

Ngayon, halos lahat na ng mga guro ay naka depende sa modernong teknolohiya. Kaakibat nito ay ang maging dependent sa internet sa lahat ng mga gawain lalo na sa paaralan. Lalo na ngayong pandemya, ang internet ay pinaka ginagamit ng mga guro.

Gaano nga ba kaimportante ang internet sa buhay ng mga guro? Pag uusapan natin ngayon ang mga rason kung bakit di pwedeng walang internet ang mga guro.

1. Ang internet ang nagpapadali ng buhay ng mga guro sa madaliang pag sasaliksik.

Ngayong pandemya, puro research ang nagagawa ng mga guro para sa modules. Napapadali ng internet ang gawain ng mga guro.

2. Napapadali din ang pag se-send ng mga files na hindi na gumagamit ng USB at mas ligtas sa mga virus.

Hindi na kailangang bumili ng mamamahaling USB para lang magkopya ng files. Pwede na kasing magsend via internet at ligtas pa sa virus ang laptop mo.

3. Ito ang pinaka gamit ng lahat ng mga guro sa pagbibigay ng kanilang mga lessons sa mga mag-aaral.

Hindi na mahirap magbigay ng karagdagang leksyon sa mga mag-aaral.

4. Ito din ang tanging nag-uugnay sa grupo ng mga bata sa kanilang subject teacher.

May mga “group chats” na binubuo ang mga guro para madaling makontak ang mga estudyante.

5. Dito ginagawa ang meetings or group chat na kailangan ng mga guro.

May mga meetings na kailangang agarang nagagawa sa pamamagitan ng internet. Mas ligtas na sa bahay na lang nag o-online meeting ang mga guro.

6. Nagpapawala ng stress ng mga guro

Minsan ay nakakatulong itong internet sa pagpapawala ng stress ng mga guro. Ginagamit tio sa panonood ng Netflix at youtube na talaga namang nakaka aliw.

7. Nagbibigay ng sariwang balita

Mas mabisa ang internet sa pagbibigay ng sariwang balita sa buong mundo.

8. Buhay ng mga guro ang internet

Talaga namang hindi pwedeng walang internet ang mga guro. Sa lahat ng bagay kasi ito ay malaking tulong.

Aminin natin, ang internet ay malakaing tulong hindi lamang sa mga guro kundi sa lahat ng uri ng trabaho. Naglalaan talaga ng budget ang mga guro para lng sa internet. Sana ay balang araw mabibigyan ng internet allowance ang mga guro. Kung walang internet signal ay mahina din ang “workforce” ng isang paaralan.

OUR LATEST POST