Ipasa lahat ng mga mag-aaral
Inaprobahan kamakailan ang resolusyon pagpapasa sa lahat ng mag-aaral ngayong pandemya. Ito ay inaprobahan ng House of Committe on Basic Education. Ito ay nangangahulugang medyo gagaan ang pakiramdam ng mga studyante natin sa kasalukuyan. Gayunpaman, may mga panuntunan pa ring dapat sundin ang mga mag-aaral at magulang.
Kahit pa man sa balitang ito, medyo nahahati ngayon ang mga guro sa kanilang opinyon tungkol dito. Marami ang nababahala dahil may iilang guro din ang may mga sentimento tungkol sa isyung ito. Narito ang iilan sa mga opinyon ng mga guro:
Para saan pa ang mga guro kung ipapasa lang din naman ang lahat kahit hindi naman gumagawa ng maayos.
Pakiramdam ng mga guro ay para lang silang katawa tawa ang kanilang kinalalagyan. Pahirapan sila sa paggawa ng modules at yun palay wala din lang rin.
Maraming mga bata ang hindi talaga ang gumagawa ng kanilang modules.
Kadalasan sa mga bata ay hindi talaga gumagawa ng modyuls nila. Maraming pagkakataon na ang magulang ang nagsusulat at sumasagot sa mga tanong.
May ibang bata din ang walang pakialam sa kanilang modules.
Yung iba walang pakialam kung kailan at saan kukunin. Hindi mo man lang mahagilap at walang ni isang iskor sa class record. Wala ding abiso o anumang mensahe para malaman ng guro kung ano na ang nagyare.
Hindi sumusulpot ang mga magulang sa pahkuha at pagsauli ng mga modules.
May mga magulang na hindi tumutupad sa skedyul ng pagkuha ng kanilang mga modules.
Minsang nababalik ang modules na walang ni isang sulat kahit man lang pangalan.
Ibinabalik ang module na walang nakasulat. Syempre kung ikaw ang guro ma babahala ka talaga dahil paano mo bibigyan ng grado ang wala namang sagot.
Sinasamantala ng mga mag-aaral ang pagkakataon.
At sa pagkakataong ito, paniguradong maraming mag-aaral ang sasamantalahain ang pagkakataon. Alam na nila ang balita kaya paniguradong masaya sila ngayon.
Natural lang talaga ang hatian sa panig ng mga guro. Sa pagkakataong ito kasi, marami ng bata ang pa “easy-easy” na lang dahil alam na nilang papasa talaga sila.
Ano ang tingin ninyo sa isyung ito? – Clea | Helpline PH