Dismayado at nasasaktan dahil 5k to 6k lang ang sri
Maraming guro ngayon ang dismayado dahil sa ang SRI na matatanggap ay nasa 5k to 6k lang. Ang ibang ahensya ng gobyerno ay nakatanggap na ng SRI at and DepEd nalang ang wala pa hanggang ngayon.
Pag-uusapan natin kung bakit maraming guro ang nasasaktan at nadismaya sa balitang ito.
1. Nag expect na ang mga guro na 10k ang kanilang matatanggap
Dahil nga nakatanggap na ang ibang ahensya ay nag expek na din ang mga guro. Nasa 5k to 6k lang ang kaya ng funding kaya medyo nakakalungkot.
2. Ang ibang ahensya ay nakapagbigay ng saktong halaga
Tanging DepEd nalang ang hindi pa nakatanggap ng SRI nila. Hindi daw kaya ng funding ang 10k dahil marami ang mga guro.
3. Matagal ang pinaghintay ng mga guro sa pagdating ng SRI
Naghintay ng matagal ang mga guro dahil alam nilang may prosesong ginagawa. Medyo nakakalungkot nga lang na matagal ang paghihintay nila.
4. May pinaglalaanan na ang ibang guro sa halagang matatanggap nila
Kahit hindi paman natatanggap ng mga guro ang SRI ay may pinaglalaanan na sila dito. Ang iba pambayad ng mga utang o pambili ng karagdagang grocery subalit napanis na dahil sa tagal.
5. Palaging nahuhuli ang mga guro sa lahat ng benepisyo ng gobyerno
Sa lahat ng mga benepisyo ng gobyerno ang mga guro ang laging nahuhuli. Ang mga rason ng namumuno ay maraming empleyado ang DepEd kaya nangyayari ito. Alam naman nila na ang DepEd ang may pinakamaraming empleyado ay dapat malaki din ang pondo. Dapat sana nung mag budget sila ay inassume na nila ang laki ng pondo na dapat sa mga guro. Malaking pamilya kaya malaking budget.
Ang nakasaad sa memorandum ay maksimum ng 10k ang dapat matanggap na SRI ng bawat empleyado. Ang DepEd lang ang tanging naiba sa lahat dahil hindi nito maibibigay ang kabuuang halaga. Ito ay dahil maraming empleyado ang DepEd at konti nalang ang pondo na na “pool out” galing sa mga source ng fund. Ito lagi ang rason nila kada may benipisyo ang mga guro.
Kahit paman ganito ang mangyayari ay nagpapasalamat pa rin ang mga guro. Kahit papaano ay may hinihintay pa rin na biyaya kahit na hindi gaanong kalakihan. – Clea | Helpline PH