Skip to content

Satisfied ba ang mga guro sa data load na bigay ng deped?

Satisfied ba ang mga guro sa data load na bigay ng deped?

Sari-sari ang reaksyon at komento ng mga guro natin hinggil sa Data load na bigay ng DepEd. Kamakaylan lang ay nakatanggap sila ng simcard kung saan ay naglalaman ng data load. Ang load balance sa kasalukuyan ay 4GB pero pag ito ay na activate na, buwan buwan ay may 34GB na papasok sa simcard na ito.

Ngayon naman, hindi talaga maiiwasan na iba-iba ang komento ng mga guro. Para sa mga gurong nasa syudad at may signal, pabor sa kanila ang data load allowance na ito. Ngunit para sa mga gurong nasa malalayo at walang signal malabo nila itong magamit.

Narito ang iba-ibang komento ng mga guro sa data load allowance. Isa-isahin naman nating talakayin bawat komento.

Ginawang CASH nalang sana ang Data load na bigay ng DepEd ayon sa mga guro.

Ito ang gusto ng ibang guro dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Hindi lahat ay naabot ng signal ng SMART. May mga paaralan na GLOBE lang ang merong signal.
  2. Ang data allocation ay hindi sapat sa dami ng mga dapat i-download, webinars, online class at iba pa.
  3. Ang mga guro na naka-PLAN ang cellphone ay kinakailangan pang bumili ng bagong cellphone upang magamit lamang ang SIM.
  4. Ang registration process sa data allocation ay pahirapan. Kaylangan pa ng mabilis na internet connection para makapag-register. Ginugol ng mga guro ang buong maghapon para lang makapagregister.
  5. Mas mainam sana na ang internt service provider ay nasa diskarte nalang ng mga guro. Sila kasi ang nakakaalam ng network na angkop sa kanilang lugar.

May mga puntong tama din naman ang mga guro dahil hindi nga naman pareho ang signal ng lahat. May ibang malakas ang signal ng SMART at meron ding walang wala talaga. Ang Data load na bigay ng DepEd ay biyayang malaki at tulong na din. Subalit, hindi ito mapapahalagahan ng ibang mga guro dahil hindi nila ito magagamit.

Sa ibang banda naman, may punto din ang DepEd kung bakit simcard ang ibinigay nila. Marahil ay nasa budget na ng DepEd ang pagbibigay ng data load allowance ng mga guro. Hindi rin naman kasi basta-basta ang pag-gawa ng budget.

Para siguradong lahat ay mabibigyan ay minabuti nilang simcard ang i-issue sa lahat. Pero mas mainam sana kung gumawa ng survey para masiguradong magagamit ang simcard. Yung tipong kung anong network malakas ang signal, yun ang ibibigay. Sa madaling salita, 50-50 ang labanan. Kalahati sa mga guro satisfied at kalahati din ang hindi.

Sa kabuuan, nagpapasalamat pa rin ang mga guro sa biyayang ito. Kanya-kanyang diskarte na lamang ang mga guro kung paano mai-ahon ang kani-kanilang gawain. – Clea | HelplinePH

1 thought on “Satisfied ba ang mga guro sa data load na bigay ng deped?”

  1. Since oct 2021 d na po ako naka receive ng load… Malolodan pa po ba itong 349 ko? Always 10 na lng po everytime na ma inquire balance. Nagamit ko naman mula july 2021…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *