Guro sa viral TikTok video, maaaring maparusahan – DepEd

    Guro sa viral TikTok video, maaaring maparusahan

    Ayon sa Department of Education (DepEd,), posibleng maparuhasan ang isang guro matapos mag-viral ang TikTok video nito na nagpapakita umano ng pang-aabuso sa mga bata.

    Sa pahayag ng DepEd, sinabi nito na bilang isang institusyong pinagkakatiwalaan na protektahan ang mga karapatan ng bawat Pilipinong mag-aaral, “hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata.”

    Inatasan ni Education Secretary Leonor Briones ang Regional Director ng DepEd Central Luzon na agad imbestigahan ang naturang insidente.

    Para sa DepEd, nagpapakita umano ng potensyal na child abuse action ang video ng teacher at dapat umano itong patawan ng parusa.

    Saad pa ng DepEd na pinaalalahanan nila ang kanilang mg guro at non-teaching personnel: “always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards.”

    “We must always champion a safe and nurturing learning environment for children, where physical, verbal, sexual and other forms of abuse and discrimination are renounced,” dagdag nito.

    Kinumpirma naman ng Schools Division Office (SDO) ng Pampanga, na nakatatanggap sila ng mga ulat tungkol sa viral TikTok video ng guro.

    “We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address this matter,” anang SDO Pampanga.

    “We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video,” dagdag pa nito.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *