2 guro na pineke ang travel documents, arestado
Arestado ang dalawang guro na tubong Nueva Ecija matapos magpresenta ng peke at hindi awtorisadong medical certificates. Nahuli ang dalawa na sakay ng commuter van sa PNP Quarantine control point na nasa boundary ng Nueva Ecija-Pangasinan.
Nahaharap ang mga nahuling guro sa kasong paglabag sa Article 172 o Falsification by Private individual and use of Falsified Documents.
Batay sa imbestigasyon, naharang sa naturang PNP quarantine control point ang dalawang guro upang e-check ang kanilang travel documents subalit nabisto na inedit lamang ang kanilang ipinakitang medical certificates.
Inamin naman ng mga suspek na nakuha nila ang mga pekeng medical certificates na ginawa ng nagngangalang Neri Cariño ng Guimba, Nueva Ecija.
Napatunayan namang tunay ang travel authority na walang lagda na ipirinisenta ng dalawa.
Ang mga travel documents gaya ng travel authority at medical certificates ay kailangang iprisenta kapag lalabas at papasok ng probinsiya ng Pangasinan.