Mga guro pinapalimitahan sa paggamit ng TikTok sa pagtuturo

    Mga guro pinapalimitahan sa paggamit ng TikTok sa pagtuturo

    Pinag-iingat ng ilang senador ang mga guro sa paggamit nila ng social media app na TikTok tuwing nagtuturo.

    Sa pagdinig ng senado sa panukalang budget ng Department of Education (DepEd) sa senado, pinuna ni Senator Francis Tolentino na tila hindi akma sa guro ang paggamit sa nasabing app para makapagturo online.

    Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian na may mga insidente ng inireklamo ang guro dahil sa labis na paggamit nito ng nasabing social media app.

    “We also have to be careful with TikTok. I recalled reading a DepEd teacher who got into trouble because of excessive TikTok,” saad ni Gatchalian.

    Ipinagtanggol naman ni Sen. Pia Cayetano ang ilang guro na gumagamit ng nasabing social media app at sinabing ito ay isang paraan para maipakita na sumasabay ang guro sa uso.

    “Obviously that’s not the main means of learning but you know if they can learn something through TikTok and make it more exciting. This is a gamification theory which is proven to be very effective so I think that’s an interesting avenue to explore,” ani Cayetano.

    Subalit hindi aniya ito sang-ayon na ang nasabing social media ay maging pangunahing paraan sa pagtuturo.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *