Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Teachers na loaded, may solusyon ang DepEd

Teachers na loaded, may solusyon ang DepEd

Sinigurado ng Department of Education na kanilang aaksiyunan ang reklamo ng mga guro na loaded o sobra-sobra ang tinuturuan.

Saad ni DepEd Spokesman Michael Poa, alam nila ang problema at alam rin nila na may mga paaralan namang sobra ang mga guro.

Kaya ang solusyon ay mag-transfer ng mga guro sa mga paaralan kung saan naitala ang mga gurong loaded.

“Diyan naman po sa teachers, we understand the situation, actually it was the topic in the mancom this week, mayroon po talaga mga teachers na medyo loaded, meron din schools na mayroong excess,” ayon kay Poa.

Ayon kay Poa, ang pinakamabilis na kanilang gagawin ay mag-transfer ng teaching staff.

“Doon po sa schools na may excess na teaching staff ay subject to rules on transfer, kung papayag po sila, we transfer these teachers doon sa may kakulangan,’ dagdag pa ni Poa.

OUR LATEST POST