Pagbubukas ng klase sa SY 2021-2022 huwag madaliin – Sen. Bong Go

    Pagbubukas ng klase sa SY 2021-2022 huwag madaliin

    Nagbigay ng pahayag si Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi pa sigurado ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022 sa Agosto 23.

    Sinabi ni Go na ang Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magdedesisyon sa petsa ng pagbubukas ng klase.

    “Hindi pa naman sigurado ‘yan dahil for approval pa po ‘yan ng IATF at ng Pangulo,” pahayag ni Go.

    Dagdag nito, sinabi ng senador na mas makabubuting huwag madaliin ang pagbubukas ng klase.

    “Ako naman po huwag po tayo masyadong magmadali. Bigyan natin ng kaunting espasyo ang ating mga guro dahil mahirap po sa panahong ito kapag mayroon pong nagpositibo na isang guro o estudyante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil nakapokus ngayon sa pagbabakuna,” saad ng senador.

    Sabi ni Go na dapat mabigyan ng pahinga ang mga guro.

    “Iwasan po natin na may magkahawahan, bigyan muna natin ng kaunting space ang mga guro na makapagpahinga o makapag-adjust muna dahil alam nating hirap na hirap sila sa pag-aadjust sa ating new learning system via virtual,” paliwanag ni Go.

    Nilinaw ng senador na hindi siya sang-ayon sa face-to-face classes hanggang mabakunahan ang mayorya ng populasyon.

    “Ako naman po hindi rin ako sasang-ayon sa face-to-face classes hanggang ‘di nababakunahan ang majority ng population, alam naman natin na may new strain ng virus na pati bata tinatamaan, so unahin natin ang kalusugan ng bawat bata, bawat Filipino before anything else,” dagdag ng mambabatas.

    See also  Guro, patay ng matuklaw ng cobra sa loob ng paaralan

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *