Skip to content

Overtime Pay ng mga Guro sa SY 2020-2021 may update na – Solon

Overtime Pay ng mga Guro sa SY 2020-2021 may update na – Solon

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na nagkakalinaw na ang hinihiling na overtime pay para sa mga guro ngayong School Year 2020-2021.

Saad ni Castro na matapos ang pag-uusap nila sa Civil Service Commission at Department of Education ay nangako ang mga ito na maglalabas sila ng memorandum para sa pagbibigay ng OT pay.

“Mayroon na pong linaw base doon sa dialogue, mayroon nang dina-draft na resolution or memo ang Department of Education para linawin ang pagbibigay,” pahayag ni Castro.

“Mahalaga rito para sa ating mga guro ay kinilala ng DepEd at Civil Service na dapat bigyan ng service credit at overtime pay ang mga teacher na nagsilbi more than doon sa days of work ngayong school year,” dagdag ni Castro .

Ipinaliwanag ng mambabatas na matatapos ang school year sa July 10 ngunit nag-umpisa ito noon pang June 10, 2020.

“So, nagke-claim po ang mga guro natin ng karampatang overtime pay at additional compensation o service credit kaugnay niyan,” diin ni Castro.

1 thought on “Overtime Pay ng mga Guro sa SY 2020-2021 may update na – Solon”

  1. Wala naman pong naging ot pay at nawala pa nga po ang hardship pay ng ibang malalayong school sa katunayan ang school namin ay nawala sa listahan ng hardship pay ala pong dumating simula ng taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *