DepEd pinapalakas ang online sumbungan ng mga estudyante inaabuso
Pinapalakas pa ng Department of Education ang kanilang online platform na sumbungan ng mga estudyanteng inaabuso.
Ayon kay Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, kukunin nila ang suporta ng lider ng mga barangay, civil society partner at child protection advocate para sa kanilang Learners TeleSafe Contact Center Helpline.
Sa paraan na ito ay higit pa nilang mapapahusay ang mekanismo ng programa at mas magkakaroon ng magandang referral system.
Tiniyak naman ng DepEd ang “safe environment” sa mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Sa mga may reklamo, hinihikayat ng DepEd na makipag-ugnayan sa kanilang email sa [email protected] Website: www.deped.gov.ph/learner-rights-and-protection-office/ Social media: DepEd Learner Rights and Protection Office Telephone lines: (02) 8637-2306, (02) 8632-1372 SMS: 09451759777.