Skip to content

One Tablet, One Student Isinusulong sa Senado

One Tablet, One Student Isinusulong sa Senado

May patampat si Senadora Nancy Binay na panukala sa Senado sa inihahain ni Antique Rep. Loren Legarda na pagbibigay ng computer tablet sa bawat estudyante sa public schools at state universities and colleges.

Sa kanyang Senate Bill 2454 o ang proposed One Tablet, One Student Act, saad ni Binay na sa biglaang pagbabago ng sistema sa pag-aaral, maraming mga estudyante ang napag-iiwanan dahil bukod sa kawalan ng internet access, karamihan ay walang gadget na magamit.

Sa datos ng Department of Education, tinatayang nasa 27 milyon ang elementary at high school students habang 1.6 milyon ang naka-enroll sa SUCs at local universities and colleges.

“This staggering number of students who need tablets does not even include their teachers who are likewise in need of such devices,” pahayag ni Binay sa kanyang explanatory note.

Saad ni Binay na hindi sapat ang “business as usual” upang magpatuloy ang daloy ng edukasyon.

Binigyang-diin ni Binay na upang malunasan ang tinatawag na ‘digital divide’ sa edukasyon, dapat malunasan ang agwat sa digital infrastructure.

Sa kanyang panukala , maglalaan ng P200 bilyon para sa pagsusulong na mabigyan ng tablet ang bawat estudyante sa mga pampublikong paaralan, gayundin sa SUCs at LUCs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *