Skip to content

Ogie Diaz nagbigay reaksiyon sa viral tiktok video ng guro na inim-bistigahan ng DepEd

Ogie Diaz nagbigay reaksiyon sa viral tiktok video ng guro na inim-bistigahan ng DepEd

Nagbigay ng reaksiyon ang komedyanteng si Ogie Diaz sa viral tiktok video ng isang guro na pina-imbistagahan ng DepEd na posible umanong nagpapakita ng child abuse.

Sa naturang viral TikTok video, makikita ang isang guro na pa-cute na nagsasayaw at may paghawi pa ng buhok na tila gustong kunin ang atensyon ng kanyang estudyante.

Ayon sa DepEd dapat maingat raw sa kilos ang mga teaching at non teaching personnel lalo na sa social media .

“We remind our teachers and non-teaching personnel to always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards.”

Kaugnay nito, nagbigay ng reaksyon si Ogie sa papamagitan ng isang Facebook post.

Sabi niya:

“Mali naman talaga si Sir. Dapat lang kondenahin at bigyan ng sanction.

“Pero kung tutuusin mo, ganun lang yon, nagpa-cute lang, wala namang estudyante niyang nabalitaan tayo na na nag-claim na nag-take advantage si sir sa kanilang kainosentihan.

“He was just trying to be cool, sumabay sa agos ng usong nagpapaguwapo sa tiktok, pero hindi siya aware na ito na nga ang ending ng kanyang career.

“Di ba pwede first offense, warning muna? Magtatanda naman na siguro si sir.

“Mawawalan ng trabaho ang guro, dahil sa malisyosong pagpapa-cute. Habang yung ibang pulitiko o government officials, parang normal na lang sa kanila ang corruption o anomalya, pero wala pa ring nakukulong.

“Pag maliliit na tao, kayang parusahan, pero pag malalaking tao, mamumuti na p*bic hair mo, asa ka pa?”

2 thoughts on “Ogie Diaz nagbigay reaksiyon sa viral tiktok video ng guro na inim-bistigahan ng DepEd”

  1. Pwede imbistigahan din ang mga Principals na nangunhurakot sa MOOE o budget para sa school? Ni hindi nga maramdaman ng kanyang mga guro ang MOOE, pero ang bahay ni Principal ay mas lalong gumaganda.. DepEd? Bekenemen.. 😂

    1. May mga ganyan talaga. Ang kulay ng pintal sa school ay yon na rin ang pintal sa bahay ni school head. Ohhh myyy!! Mabuti nalang sa aming school hindi ganyan. Bait bait ng principal namin. We are well provided talaga po. Thanks much talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *