Briones ipinagtanggol ng mga non-teaching personnel

    Ipinagtanggol ng mga non-teaching personnel

    Ipinaglaban at ipinagtanggol ng isang grupo ng mga non-teaching personel si Secretary Briones sa gitna ng pambabatikos na natatanggap nito at mga panawagang magbitiw sa pwesto.

    Ayon sa Department of Education-National Employees Union, hindi dapat husgahan ang kagawaran dahil ginagawa naman nila ang lahat para maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

    “Actually wala namang leader o gobyerno na ready sa pandemyang ito, kaya lahat tayo nabulaga rito. Ganoon din sa ating edukasyon, wala namang naka-ready talaga rito,” pahayag ni Atty. Domingo Alidon, pangulo ng grupo.

    “Bagama’t ganyan ang nangyari ay nakapaghanda pa rin ang DepEd kahit papaano ‘yung tinatawag na modular or virtual/online learning. Itong self-learning modules naman ay pinag-aralang maigi ng DepEd kung papaano tayo makapagpapatuloy sa ating delivery of learning sa gitna ng pandemya. So, kahit papaano ay natugunan naman ng kagawaran — hindi naman huminto ang delivery ng learning sa basic education,” paliwanag ni Alidon.

    Ayon kay Alidon malabo maging perpekto ang paghahatid ng edukasyon sa gitna ng pandemya, sana man lang maintindihan ito ng publiko.

    “This is really a crisis. Every one of us has to contribute. We cannot expect that a 100 percent ay okay ‘yan. Kahit nga sa normal na panahon na walang pandemya hindi natin na-hundred percent. Mayroon talagang loopholes diyan at mayroon talagang lulusot diyan,” saad ni Alidon.

    “Noong araw nga na walang pandemya ‘yung mga libro subject to erata ‘yan kasi may mga mapa na mali-mali. Pero ito naman inadvertently lang naman ay included, at hindi naman ‘yan lahat ay generally ganyan. We can be free to criticize pero with the purpose of helping,” dagdag pa niya.

    READ  2 public school teachers died due to COVID-19 virus

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *