Punong Guro sa Elementary School, Nagbigti dahil sa Depresyon

    Punong Guro sa Elementary School, Nagbigti Dahil sa Depresyon

    Isang malungkot at nakapanglulumo na balita ang viral ngayon sa social media kung saan ay isang punong guro ang kumitil ng sariling buhay dahil sa depresyon .

    “Wala nang buhay nang matagpuan ang isang public school teacher sa kanilang opisina matapos umanong magbigti sa Brgy. Batuhan, Masbate City nitong Martes ng tanghali, May 25.

    Ayon sa inisyal na impormasyon mula Masbate CPS, kinilala ang biktima na isang 54 anyos, kasalukuyang Head Teacher 2 ng Nicolas Danao Elementary School.

    Sa report, nakatanggap umano ng tawag ang pulisya mula sa kapitan ng barangay na wala nang buhay ang biktima na nakabitin sa kanilang opisina.

    Nakakaranas umano ng matinding depresyon ang biktima, at hindi ito ang unang beses na nagtangka na magpakamatay ang biktima, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya.

    Wala naman umanong nakitang bakas ng panloloob at foul play sa lugar. Sa impormasyon mula DepEd Masbate City, may apat na incident report na umano ito ng tangkang pagpapakamatay dahil sa dinadalang depresyon.

    Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Schools Division Office ng Masbate City sa pamilya ng biktima at nanawagan na iwasan ang pagtalakay sa insidente dahil ito ay sensitibong issue para sa pamilya.

    Matatandaang isang guro din ang namatay matapos naman pagbabarilin sa kanilang bahay sa San Jacinto, Masbate ngayong linggo.

    Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.”

    Source: Masbate CPS, Masbate PPO

    Paalala sa ating mga ka-guro, kung mayroon man tayong mabigat na pinagdadaanan sa buhay, huwag nating kalimutan na may Diyos tayong makakapitan.

    See also  DepEd admits not all modules underwent quality check; welcomes volunteer error spotter

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *