Education Sector dapat mag-adjust at matutong mabuhay kasama ang virus – Sen. Gatchalian

    Education Sector dapat mag-adjust at matutong mabuhay kasama ang virus

    Ayon kay Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na kailangan matutong mamuhay ang nasa education sector kasama ang virus.

    Inihalintulad ito ni Gatchalian sa mga negosyo na nag-adjust sa pandemya.

    Nababahala ang senador na maaring maging dahilan ng problema sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang mahabang pagsasara ng mga paaralan.

    Sa kabilang banda, hinikayat ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines Managing Director Joseph Noel Estrada ang mga mambabatas na bigyan ng kalayan ang mga pribadong paaralan sa pagdedesisyon kung magsasagawa na ng face-to-face classes.

    Paliwanag ni Estrada, may iba’t ibang resources at pasilidad ang mga pribadong paaralan kaya mas madali sa kanila ang magpatupad ng health protocols.

    Dagdag pa ni Estrada na hindi pa rin nakokonsulta ng DepEd ang COCOPEA para sa pagbabalik ng face-to-face classes na para kay Senadora Nancy Binay ay hindi katanggap-tanggap.

    “Baka mas maganda na ngayon pa lang, dapat bini-brief na ni DepEd ‘yong mga mayor, governor… hindi iyong aabot tayo sa punto na papayagan ni presidente then i-implement mo sa baba, ayaw pala ng governor, ng mga mayor,” pahayag ni Binay.

    See also  Teachers received 10k Cash Incentives from Local Government

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *