Skip to content

Martial Law Education Ikinakasa

Martial Law Education Ikinakasa

Isinusulong ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pagkakaroon ng Martial Law education sa bansa dahil malaking parte ito ng kasaysayan.

Ayon kay Carpio na mahalagang maging bahagi ito ng curriculum sa mga paaralan.

“That should be made part of the curriculum in grade school, high school and college because that’s part of our history, a very important part of our history,” pahayag ni Carpio, kasabay ng pagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng EDSA Revolution.

Saad naman ni Fr. Albert Alejo na may kulang sa pagtuturo ng Martial Law sa mga paaralan.

“Dapat noong panahon na iyon, ‘di sana nag-sponsor ng mga historian, ng mga textbook writer. May pagkukulang,” ani Alejo.

Sina Carpio at Alejo ay convenor ng oposisyon na 1Sambayan.

Sabi naman ni economist JC Punongbayan, talamak ang disinformation sa social media kaya maaaring malantad ang mga nakababatang Pilipino sa mga maling salaysay tungkol sa diktadura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *