Skip to content

Listahan ng mga guro na tumanggap ng laptop sa DepEd ipinapapasa sa Senado

Listahan ng mga guro na tumanggap ng laptop sa DepEd ipinapapasa sa Senado

Ipinasusumite ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Francis Tolentino sa Department of Education ang listahan ng mga guro na nakatanggap ng laptop.

Ito ay upang malaman kung tugma ang dami ng biniling laptop sa mga gurong tumanggap nito.

Maaaring paharapin sa pagdinig ng komite ang mga gurong nakatanggap ng umano’y overpriced at outdated laptops.

Ipinaliwanag ng senador na posibleng kasama sa maitanong sa mga iimbitahang guro ang kanilang karanasan sa paggamit ng mga inisyung laptop.

Dagdag pa ni Tolentino na mahaba pa ang tatakbuhin ng pagdinig bago sila tuluyang makabuo ng konklusyon.

“Wala pa kami sa pananagutan kasi sabi ko stage by stage tayo. Next hearing tungkol na sa bidding and award…Ayoko pangunahan…Kung may pananagutan kailangan matahid-tahid natin ito, hindi ‘yung base sa ating interes o damdamin kailangan base sa ebidensya,” pahayag ni Tolentino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *